Neri Naig, Chito Miranda 'kinarir' ang pagsasaka habang lockdown
Kuha ng mga tanim na sili at kamatis sa hardin nina Neri at Chito habang kalagitnaan ng lockdown.
Mula sa mga Instagram posts nina Neri Naig at Chito Miranda.

Neri Naig, Chito Miranda 'kinarir' ang pagsasaka habang lockdown

James Relativo (Philstar.com) - April 20, 2020 - 7:45pm

MANILA, Philippines — Kung batong-bato na ang ilan dahil walang magawa ngayong enhanced community quarantine (ECQ), tila hindi 'yan problema para sa mag-asawang sina Neri Naig at Chito Miranda sa pagbuhos ng oras sa kanilang hardin sa Alfonso, Cavite.

"Meet Your Garden. Dao Ming Sili. Yan yung garden ni Neri sa tabi ng bahay namin... kinareer nya eh," pagmamalaki ni Chito sa misis sa isang Instagram post, Linggo.

Makikita sa post ang naghahabaang tanim na sili at sari-sari pang gulay, na nakagawian nang picturan ni Neri simula nang ideklara ang Luzon-wide lockdown na nagkulong sa mga pamilya sa kani-kanilang mga bahay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Hindi lang 'yan ang laman ng taniman ng mag-asawa sa kanilang tabing bahay. Naroon pa ang bawang, ampalaya, lettuce, mani, parseley, mulberry at kung anu-ano pa.

"Ayaw ko ng ampalaya dati! Di mo ako mapapakain nyan! Pero nung nabuntis ako at medyo tumaas sugar ko, inaraw-araw ko ang ampalaya para mag-normal ang sugar ko," sabi ng aktres tungkol sa mga pananim.

"Tapos nagustuhan ko na sya pagkatapos nun. Maganda pala sa health eh."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Dagdag pa ni Neri, madalas niyang isama ngayon sa pagtatanim ang anak na si Miggy, bagay na naging bonding na raw nila ngayong lockdown.

"Gardening with my Miggy sa likod ng aming bahay," sabi niya sa post habang hawak-hawak ng paslit ang mga aning gulay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Ang hubby naman niyang si Chito, na kilala ring bokalista ng rock band na Parokya ni Edgar, nag-ala farmer din sa kanilang taniman.

Sa ika-16 araw ng ECQ, makikitang inaani ng frontman ang mga tanim na saging.

"Day 16. Naaaaaaks! Nagamit din yung itak nya!???" sabi ni Neri tungkol sa asawa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Kasalukuyang nagpapatupad ng ECQ ang gobyerno simula Marso bilang tugon sa pagkalat ng nakamamatay na novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Dahil diyan, naghihigpit ang gobyerno sa paglabas-labas ng bahay. Suspendido din ang lahat ng pampublikong transportrasyon, klase at iba't ibang trabaho.

Umabot na sa 6,459 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilpinas, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health. Sa bilang na 'yan, 429 na ang namamatay.

CHITO MIRANDA ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE FARMING LOCKDOWN NERI NAIG NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with