Bela
Nag-breakdown ng mga pinagbigyan, Bela nag-abono muna sa mga pangakong donation
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2020 - 12:00am

Hindi marahil nakatiis si Bela Padilla sa mga malisyoso na nanghihingi ng breakdown sa kanyang nakolektang donasyon kaya kahapon   inisa-isa niya ang mga pinuntahan ng pera at nag-abono pa pala siya.

“Again, for everybody’s peace of mind. I already posted everything. It’s in my highlights too. The donations from the gogetfunding were 1.37M.

“The 2 million donated by ONE PERSON hasn’t arrived yet. But the food I bought for the two days of donations was worth around 2.5M.

“Also, the P1.3M hasn’t been released by PayPal yet. So right now, it’s all my money that went out. ?,” ang post kahapon ni Bela matapos ngang magmalisya pa ang iba sa kanyang ginagawang pagtulong habang naka-enhanced quarantine ang buong Luzon.

Nagbigay din siya ng breakdown :

“1M worth of canned goods and rice went to Caritas Manila (Which they posted too)

“1M worth of groceries and other goods were split into 2 groups. The first group was delivered to the PWDs of QC by my friends who volunteered and the second group is what the Philippine Army and I distributed out on the streets and to Pasay, Manila and Makati. (Which I posted on the day itself.)

“The last 500k I had out of the bank was used for rice and more canned goods that were sent  to Caritas Manila last Friday. (I couldn’t personally deliver but was delivered and also posted by Philippine Army).”

Ayon pa kay Bela, oras na maibigay na ang pangakong P2 million na donation, kukunin niya ang P1 million niya at ang isa pang million ay gagamitin niya sa panibagong food drive. May mga suggestion na raw kung saan niya ibibigay ang remaining funds.

Pagkatapos daw nito ay hindi na uli siya magpapaliwanag dahil mas maraming nangangailangan. “I will focus my energy only to them or myself.”

BELA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with