_ngayon
^

PSN Showbiz

Relasyong Arjo at Maine, mas matibay na!

SHOWBIZ NEWS NO NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Relasyong Arjo at Maine, mas matibay na!
ArMaine

Mas matatag na raw ngayon ang relasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Marami-rami na rin kasing pinagdaanang pagsubok ang magkasintahan.

“We’re just so happy. We’re going stronger and stronger. Every year we’re getting better,” pagtatapat ni Arjo.

Maayos na maayos ang pakikitungo ni Maine sa Kapamilya ng aktor at ganoon din naman si Arjo sa pamilya ng Kapuso actress. “Okay naman po, sobrang bait po ng daddy niya and very welcoming po and sobrang bait rin po. I love them, mabait po sila. Wala po akong masabi sa kanila. Napa-Tala niya ang daddy ko,” nakangiting kuwento ng binata.

Samantala, mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa lihim na pagpapakasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na nangyari noong February 20. Susunod na kayang magpapakasal sina Maine at Arjo?

“Obviously, I’m at that age already. I had nothing to hide. Yes, we talk about it. So I said nga this is my love story, this is me, this is for me. And you know, we just have commitments and we still have things to do and being here with each other through the years, we just grow stronger. Eventually we’ll get there,” makahulugang pahayag ng aktor.

Jin wala nang oras sa GF

Masayang-masaya si Jin Macapagal dahil sunud-sunod ang mga natatanggap na proyekto. Bukod sa It’s Showtime ay kabilang din ang grand winner ng Bidaman sa pelikulang Us Again na pinagbibidahan nina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Gaganap naman bilang batang Fernando Suarez si Jin sa biopic ng yumaong pari na Suarez: The Healing Priest.

Matatandaang guma­    0nap din bilang si Crisostomo Ibarra ang baguhang aktor sa pelikulang Damaso noong isang taon.

“Thankful ako sa lahat ng nangyayari, as in parang tuluy-tuloy at sana magkaroon pa. Any role naman I’m willing to accept, masaya naman ako basta magkaroon ng project. Masaya ako na nagagawa ko ‘yung ganitong bagay. Hungry ako sa experience kasi, hungry akong matuto,” nakangiting pahayag ni Jin.

Kahit abala sa kabi-kabilang proyektong ginagawa ay may panahon pa rin ang binata sa kanyang buhay pag-ibig. Anim na taon nang karelasyon ni Jin ngayon ang isang non-showbiz girl na nakabase sa Bohol. Magkalayo man ang magkasintahan ay maayos naman umano ang kanilang relasyon.

“I can’t say naman talaga na she’s not affected. She’s very supportive and very understanding. Selfless siyang tao and gusto niyang makuha ko ‘yung mga bagay na pinapangarap ko, kung saan ako masaya, okay naman po kami. Kulang din talaga ako sa time sa kanya kasi LDR (long distance relationship) pero I always make time naman, I find time. Mga common LDR problems lang ‘yung nangyayari sa amin. Kahit nasa Bohol siya, LDR pa rin ‘yon. Kasi siyempre hindi ko maiwan ‘yung trabaho ko dito (sa Maynila),” pagbabahagi ng binata.   (Reports from JCC)

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with