JV
JV kumampi kay Sarah!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Social media influencer ang peg ngayon ni former Senator JV Ejercito.

May reliable sources na rin siya, in all fairness.

Kahapon ay may tweet siya na galing daw sa kanyang reliable source : “A reliable source told me that Sarah G. was crying & was in a fetal position when all the commotion was happening. Sad.

“I don’t usually mind about showbiz stuff but I feel that Sarah has marry whom she really loves.

“She worked hard for her fortune. But she deserves to be happy,” sabi ng ex senator na panay din ang react sa mga iba pang chika sa pali-paligid ng showbiz.

Why not nga naman. Kesa magnegosyo siya nang magnegosyo, masayang maki-update sa mga latest na pangyayari lalo na sa showbiz.

Anyway, balitang susubok uling mag-senador ni JV sa 2022 elections. Though medyo siksikan daw ang 12 slots dahil 9 or 10 ang reelectionist/comebacking (if my memory serves me right) sa senado ayon sa isang source na naka-chika ko recently. Yup, ganun daw karami so medyo mahihirapan ang ibang sumingit sa senado sa 2022.

May chika rin na bibigyan ng position sa gobyerno si ex sen JV, sa housing department pero ‘di pa yata nabubuo.

Fans ng koreanovela, nagluluksa sa pagdami ng coronavirus

Whooaa hindi muna makaka-biyahe sa South Korea ang mga nagbabalak magbakasyon doon dahil sa pagrami ng kaso ng novel coronavirus. “Any travel to South Korea will be temporarily suspended,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque kahapon.

Naku paano na ang mga may hangover pa sa K drama na Crash Landing On You starring Hyun Bin and Son Ye-jin na nag-iwan ng matinding impact sa fans?

Ang daming literal na nabaliw sa Crash Landing... kaya marami sanang nagbabalak bumiyahe ng South Korea para pasyalan nga ang mga location spots ng nasabing k drama na tungkol sa love story ng isang billionaire heiress na napadpad sa South Korea na niligtas ng isang North Korean military officer pero magkaka-inlaban at ginawa ang lahat para lumigaya.

Isa pang binabalak puntahan ng Pinoy fans ay ang locations ng award winning Korean movie na Parasite.

Pero ito nga tuloy ang pagrami ng kaso ng coronavirus sa South Korea. Ang South Korea ayon sa reports ang may pinaka-maraming outbreak ng COVID-19 outside mainland China.

Ayon sa cnn.com, more than 1,100 na ang infected nito kasama na ang isang US soldier at 12 na ang namatay.

Sa Italy, meron nang 322 ang infected at 11 na ang namatay.

Grabe ang tindi ng virus na ito.

JV EJERCITO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with