^

PSN Showbiz

Sarah inaabangan kung matutulad kay Heart

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Sarah inaabangan kung matutulad kay Heart

Alam mo, Salve A., malayo pa ang itatakbo ng usa­ping kasalan sa pagitan ng pop superstar na si Sarah Geronimo at ang triathlete singer-actor at entrepreneur na si Matteo Guidicelli dahil nagsanga-sanga na ang mga isyu kung saan involved din ang ina ni Sarah na si Mommy Divine maging ang (dating) close-in security aide ni Sarah na si Jerry Tamara.

Lumapit sa radio program ni Raffy Tulfo ang personal bodyguard ni Sarah para isumbong ang ginawa umano sa kanya ng mister ng popstar royalty na si Matteo sa gabi ng secret wedding nina Sarah at Matteo nung nakaraang Huwebes, February 20.

Dahil hindi nakausap ni Raffy si Matteo, ang big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario ang nakapanayam ng kilalang radio anchor.

Balak umano ni Jerry na sampahan ng kaso si Matteo dahil sa ginawang pananakit sa kanya.

Last Monday, February 24 ay nag-report si Sarah sa taping ng The Voice Teens bilang isa sa mga coaches along with Apl.de.ap, Lea Salonga at Bamboo pero hindi nag-grant ng interview si Sarah na may kinalaman sa kanilang controversial secret wedding ni Matteo.

Inaasahan ding darating si Sarah ngayong linggo sa ASAP Natin `To na isa nang ganap na Mrs. Matteo Guidicelli.

Kung matatandaan pa, Salve A., hindi rin pabor noon ang mga magulang ni Heart Evangelista sa mister na nito ngayon, ang dating senador at ngayon ay gobernador ng Sorsogon na si Chiz Escudero. 

Naging vocal din noon ang ina ni Heart sa pag-ayaw sa napangasawa nito. Katunayan, hindi sinipot ng parents ni Heart ang kasal sa Balesin Island maging ang hiwalay na grand wedding reception nina Heart at Chiz. Pero sa kalaunan ay nagkasundu-sundo rin sila.

Ganito rin kaya ang inaasahan sa mag-asawang Sarah at Matteo at sa parents ni Sarah?

Tony at Marco napuri ni Direk Joel!

Kinu-consider na malaking karangalan para sa dalawang fast-rising lead actors na sina Tony Labrusca at Marco Gumabao ang makatrabaho nila ang mga premyadong director, writer at actress na sina Direk Joel Lamangan, Ricky Lee at Lovi Poe sa pelikulang Hindi Tayo Pwede under Viva Films na magbubukas na sa mga sinehan simula sa March 4.

Puring-puri naman ang dalawang young actors ni Direk Joel ma­ging ni Lovi mismo na parehong magaling na actor at professional sa kanilang trabaho.

Hindi rin ikinaila nina Tony at Marco na bago magsimula ang shooting ng movie ay pareho umano silang na-intimidate kina Direk Joel at Lovi pero nang magsimula nang mag-grind ang camera ay tuluy-tuloy na umano sila at hindi kailanman nagkaroon ng aberya sa set.

Pinag-usapan nang husto ang first team-up nina Tony at Angel Aquino sa iWant, ang Glorious maging sina Marco at Anne Curtis sa movie nila last year, ang Just A Stranger.

Anyway, kahit maraming sexy scenes ang pelikulang Hindi Tayo Pwede ay mangingibabaw pa rin ang magandang kuwento ng pelikula.

vuukle comment

HEART

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with