^

PSN Showbiz

Sarah at Matteo wedding may petsa na

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sarah at Matteo wedding may petsa na

Pamilya ng singer hindi raw talaga dadalo

Marami ang nagulat sa pasabog ni Kuya Ricky Lo sa Phillippine Star na kahapon daw ang kasal nina Matteo Guidicelli at Sa­rah Geronimo.

Nakausap ko si Kuya Ricky at wala naman siyang naibigay na iba pang detalye dahil sobrang tipid lang daw ang naikuwento sa kanya.

Hindi naman niya kinumpirma kung totoo. Basta nabalitaan lang daw na nag-apply lang sila ng marriage certificate nung February 3.

Malay raw natin baka parang mala-Mikhael Daez at Megan Young daw na nagulat na lang tayo, kasal na pala sila.

Iyun din ang gusto kasi nina Sarah at Matteo na ma-achieve nila ang privacy sa kanilang kasal.

Pero heto ang isa pang nasagap na­ming kuwento tungkol sa magkasintahan.

May schedule na raw talaga ng kasal na gagawin sa Italy.

March 28 daw ang napiling date na ang dagdag pang kuwento, hindi raw ito dadaluhan ng pamilya ni Sarah.

Iyun din daw kasi ang date ng renewal of vows ng magulang niyang sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Kung totoo nga ito, parang nalulungkot kami para kay Sarah.

Hindi niya deserved ang ganung pagtrato ng pamilya. Sana mali lang itong nasagap naming kuwento, dahil parang unfair naman ito para kay Sarah.

Nag-confirm naman daw si Boss Vic del Rosario na dadalo, kahit medyo nahihirapan na raw itong maglakad.

Hanggang sa sinusulat namin ito ay balitang nasa taping pa si Sarah ng The Voice Teens ayon sa mga nagkalat na photos galing sa taping. 

Movie ni Alessandra tanggal agad sa mga sinehan, Untrue naka-1 million  

Hindi gaanong maganda ang ibinalita ng aming source sa box-office results ng pelikulang ipinalabas nung nakaraang Miyerkules, February 19.

Sabi ng aming source, mahigit isang milyon lang daw ang first day earnings ng Untrue nina Cristine Reyes at Xian Lim.

Pero maganda naman ang nakakarating sa aming feedback sa naturang pelikula, kaya sana ay tumaas pa ito sa darating na weekend.

Ang katapat naman nitong Watch List ni Alessandra de Rossi ay wala nang ibinigay na figures ang aming source.  Basta nakakalungkot daw.

Natanggalan na kasi ito ng ilang sinehan.

Kaya nakaka-disappoint lang na wala pa talagang masasabing big hit sa mga pelikulang ipinalabas magmula nung Enero.

Mahina ang James & Pat & Dave na nagbukas nung nakaraang linggo.

Medyo lumakas lang daw nung Va­lentine weekend kaya naka-27-M daw ang isang linggo nito.

Ang two weeks naman ng On Vodka, Beer and Regretsnina Bela Padilla at JC Santos ay naka-70-M ang two weeks nito.

Sa February 26 na ipalalabas ang Us Again ng Regal, at marami ang nagandahan sa trailer nito na pinagbibidahan nina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Sana maganda naman ang resulta, dahil parang wala pa talagang boxoffice hit ang mga Regal movies.

Barbie at Migo parang aso’t pusa

Malaking bagay talaga ang chemistry ng lead actor at actress sa isang soap. Surprisingly, nakitaan ng chemistry ang tambalan nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Migo Ade­cer sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Kinakikiligan ng viewers ang mala-aso’t pusang relationship ng mag-boss na si Eric (Migo) at Ginalyn (Barbie). Lalo na itong latest episode na sinamahan ni Eric upang i-evaluate si Ginalyn sa kanyang first Corregidor day tour. Pero tingnan na lang natin kapag magkabukingan na ex-boyfriend pala si Eric ni Caitlyn (Kate Valdez) na BFF ni Ginalyn.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SA­RAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with