Hunk actor na-master na ang pakikipag-relasyon sa madadatung na matrona
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2020 - 12:00am

Nagtatanungan ngayon ang mga palaging magkakaumpukan kung magkakaroon pa kaya ng mga karelasyong may edad na ang isang dating bruskong hunk actor?

Kilalang-kilala sa pagiging mabenta sa mga kababaihang mas may edad kesa sa kanya ang male personality na ito. At marunong siyang kumilatis kung kanino siya panalung-panalo.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “Di ba, naging karelasyon niya nu’n ang isang milyonaryong businesswoman? Kilalang-kilala sa linya niya ‘yung girl, yayamanin talaga siya, kaya tinarget agad ‘yun ng hunk actor.

“Ang unang action ng hunk actor, tinext niya ang girl, pinuri-puri niya, kahit daw hindi na masyadong young ang girl, e, napakaganda pa rin niya at malakas ang sex appeal.

“Natural, tuwang-tuwa naman ang businesswoman, imagine nga naman, nagagandahan sa kanya ang isang kilalang hunk actor? Flattered siya, of course!

“Ang next move ng hunk actor, namuhunan na siya ng flowers, pinadalhan niya ang may edad nang businesswoman. Mas matindi ang kaligayahan ng girl, siyempre, dahil meron pa palang lalaking nagbibigay ng attention sa kanya!

“Ang sumunod na action ng guy, pinersonal na niya ang businesswo­man, niligawan na niya, kaya may choice pa ba naman ang very flattered na girl kundi ang tanggapin ang ino-offer na relasyon ng hunk actor?” kuwento ng aming impormante.

Nu’ng naging sila na, natural lang na spoiled ang lalaki kay babae, palagi silang nangingibang-bansa, pero hindi sila sabay na umaalis, sa hotel na lang sa bansang destinasyon nila nagkikita ang dalawa.

Patuloy ng aming source, “Siyempre, shopping galore sila du’n, lahat ng gusto ng hunk actor, game na game na ibinibigay ng girl!

“Biglang nagbago ang lifestyle ng guy, puro branded na ang mga kagamitan niya, ibinili siya ng bagong bonggang car ng businesswoman, maraming nagtataka kung paano nangyari ‘yun, e, wala naman siyang mga projects?

“Nu’ng nakakailang months na sila, e, nahalata ng girl na sumosobra na ang hunk actor, sobrang materyoso na, kaya nag-isip-isip ang businesswoman hanggang sa makipaghiwalay na siya sa hunk actor.

“Magaling ang lalaking ‘yun, talagang ‘yun na ang minaster niya, ang makipagrelasyon sa madadatung na negosyante. Sino ang maysabi na mga taong may dilat na dilat na mga mata lang ang nakakakita ng biyaya?

“Kahit mga chinito, kahit ang mga singkit, may matin­ding mata rin para makakita ng pagkakabuhayan nilang target!” nakairap na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Vice nakatikim ng matinding leksiyon

Kahapon ay tapos na ang pagpapalabas ng mga pelikulang lahok sa Metro Manila Film Festival. May nanalo na!

Siguradong magkakaroon pa rin ng ekstensiyon ang pagpapalabas ng pelikulang Miracle In Cell #7 ni Aga Muhlach dahil hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin ang pelikula.

At siguro nga ay nagtaas na ng banderang puti si Vice Ganda dahil sa unang pagkakataon pagkalipas nang ilang taon ay hindi naging topgrosser ang kanyang komed­yang pelikula. At hindi na nga ‘yun nanguna ay nililigalig pa ngayon ang komedyante-TV host ng mga mapang-alipustang salita tungkol sa pagiging basura ng kanyang lahok sa MMFF.

Matinding leksiyon para kay Vice Ganda ang naganap na ito. Sa susunod siguro ay kailangan na niyang baguhin ang kanyang atake sa pagkoko­medya.

Kailangan na niyang pag-isipan ang mga jokes na ihahain niya sa manonood, hindi tulad nang madalas na ikomento ngayon sa kanya na pinaglipasan na ang kanyang pagpapatawa, paulit-ulit na niyang ginagawa ang pare-parehong atake.

Pero hindi na rin masama ang kinita ng kanyang pelikula, mahigit na tatlong daang milyon ang kanilang kinita, napakalaking regalo na rin ‘yun sa kanya ng mga kababayan nating sumoporta sa kanya.

Pero may punto rin ang naging reaksiyon ng mga nakausap namin, araw-araw na kasing napapanood sa It’s Showtime si Vice Ganda, ang mga ginagawa niyang pagkokomedya sa telebisyon ay hindi na naiiba sa mga ipinakikita niya sa pelikula.

“May sawa factor na kasi si Vice, wala nang bago sa kanya, leksiyon na sa kanya ang matamlay na pagtanggap sa kanya ngayon,” sabi pa ng isa naming nakakuwentuhan.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with