^

PSN Showbiz

Apl.de.ap. dinadawit sa hindi pagsipot ni KC sa birthday ni Sharon!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Apl.de.ap. dinadawit sa hindi pagsipot ni KC sa birthday ni Sharon!
Apl.de.ap at KC

Disabled ang comment section ni KC Concepcion sa kanyang IG account kaya walang maka-react sa birthday greetings niya sa Mama Sharon Cuneta niya.

Personal reasons ang binigay ni KC sa hindi niya pagsipot sa birthday celebration ng kanyang mama Sharon sa ASAP last Sunday kung saan present ang mga kapatid niya at si Sen. Kiko Pangilinan.

Nag-sorry din si KC sa kanyang post kung mag-fail man siya pero ginagawa naman daw niya ang lahat.

“Happy birthday, mama.? I’m sorry I couldn’t join the ASAP celebration for personal reasons. We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you, I have, I do and I always will. I have done all I can to help you when I could and to make you proud knowing you had me so young. If I fail, I’m only human and I’m sorry. But I try my best. Happiest birthday to you mama. May your light shine brighter and brighter and I will see you soon. I love you and pray for your happiness always.” post ni KC kahapon gamit ang lumang photo nila ng kanyang mama Sharon.

Wala na rin si KC sa New Year celebration nina Sen. Kiko and Sharon base sa IG posting ni ate Shawie.

Tanging ang mga anak lang nilang sina Fran­kie, Miel, and adopted son Miguel ang kasama ng mag-asawa sa pagsalubong sa Bagong Taon. Pero last Christmas naman ay buo sila.

Anyway, wala pang inaamin si KC, pero nali-link siya ngayon sa international singer na si Apl.de.ap.

Ayon sa isang source, almost confirmed na diumano ang relasyon nila Apl.de.Ap and KC. Ang kailangan nila ay umamin officially.

Minsan lang nag-upload si KC ng photo nila ng sikat na Fil-Am singer pero diumano’y madalas magkasama ang dalawa sa Amerika. “Started the week quite right with this awesome guy (who makes Monday feel like Friday!)  @apldeap || @bep,” ang upload ni KC last October na kasama sa photo ang nasabing singer na taga-Pampanga.

Ang French filmmaker na si Pierre Plassart ang huling nakarelasyon ni KC.

Year 2013 pa nang aminin ng singer na sumikat sa grupong Black Eyed Peas na nanliligaw siya kay KC pero ayon sa isang kuwento ngayon lang daw natuloy.

Kino-konek ng ilang netizens ang hindi pagsipot ni KC sa birthday celebration ng kanyang mama sa pagkaka-link nito sa singer na bumida sa nakaraang SEA Games na ginanap sa Pilipinas last year na ayon sa celebritynetworth.com,  20 million US dollars ang net worth ng singer.

Teka hindi kaya nagkita sina ate Shawie at si Apl.de.ap sa ASAP Natin ‘To na performer din last Sunday?

 Samantala, isa rin sa naging boyfriend diumano ni KC after Piolo Pascual ay ang ace photographer na si Mark Nicdao.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with