^

PSN Showbiz

Maja at Rambo, engaged na?

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maja at Rambo, engaged na?
Maja at Rambo

May bulung-bulungan na nag-propose na ng kasal kay Maja Salvador ang nob­yo nitong si Rambo Nuñez. Nagsimulang pumutok ang balita nang mag-post ang aktres sa Instagram ng sinasabing pre-nuptial photos diumano ng ilang netizens. “Hindi, di ba nauuso ‘yon. Siyempe nakiuso lang ako sa mga sweet escape na ‘yan. So no’ng nando’n na, sa­yang kung puro selfie lang. So kumuha kami ng photographer. Tapos very awkward kami kasi ‘yung mga pinapagawa sa amin pang-prenup na. So tawang-tawa kami,” paglilinaw ni Maja.

Magkasundung-magkasundo ang magkasintahan dahil parehong mahilig magbiyahe ang dalawa.

Ayon kay Maja ay sisikapin nilang pareho ni Rambo na mas maraming bakasyon pa ang magawa sa susunod na taon. “Wala pa man, pero parang may butterflies na sa stomach ko, hindi ko alam kung bakit. Parang I’m very excited na mag-2020. Maybe because nalalapit na ang pagtatapos ng The Killer Bride. But happy din kasi ang dami ring travels din na naka-ready na naka-plan. So may mga na-book na kami. So very excited na akong mag-travel ulit,” pagbabahagi ng aktres.

Nakatakdang magdiwang sina Maja at Rambo ng Pasko kasama ang pamilya ng aktres. Sa bagong taon naman ay ang pamilya ng binata ang makakasama ng magkasintahan sa Japan.

Maine at Arjo, wala nang itinatago

Noong isang taon lamang nagkasama at nagka­kilala sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Mula noon ay nagkamabutihan na ang dalawa. Kung muling mabibigyan ng pagkakataon ay gustong makasamang muli sa isang proyekto ng aktres ang binata. “Sana po, kasi mayroon din siyang sinusulat na istorya at nagpo-produce na rin naman siya,” nakangiting pahayag ni Maine.

Naipakilala na rin nina Maine at Arjo ang isa’t isa sa kanya-kanyang pamilya. Kamakailan ay inimbitahan ng Kapuso actress ang pamilya ni Arjo upang makasalo sa isang dinner. “Napag-usapan lang po, before kasi hindi na po nasundan ‘yung na-meet ko ‘yung parents sa bahay nila, and nagsakto pa na ‘yung two movies and nagse-segue ako. So parang sinabi ko lang kay Arjo na, ‘Ito na, mayroon na, may free time na, dinner na tayo,” kwento ng dalaga.

Nakaranas naman nang pamba-bash ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez mula sa ilang netizens na nagsasabing pineke lamang ang larawan na kasama ng kanilang pamilya si Maine. Nag-post kasi ang beteranang aktres sa Instagram ng mga larawan ng nasabing dinner. “Oo nga po eh, edited daw talaga,” matipid na reaksyon ni Maine.

Para kay Maine ay talagang espesyal ang kanilang relasyon ngayon ng aktor at wala na silang itinatago sa publiko. “Eh kasi wala naman na pong dapat itago. ‘Yon lang, open naman na po kami,” makahulugang pahayag ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

MAJA SALVADOR

RAMBO NUñEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with