^

PSN Showbiz

Derek at Andrea magkamukha na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Derek at Andrea magkamukha na!
Derek at Andrea

Gustong-gusto ko ang sweetness nina Derek Ramsay at Andrea Torres, Salve. Parang talagang pinagtagpo sila ng kapalaran, ang romance nila na fated for each other.

Kahit ano pa ang sabihin ng iba tungkol kay Derek, in fairness, I find him to be a real gentleman at si Andrea naman, mukhang solid ma-in love.

May mga na-link na noon kay Andrea na ibang mga aktor pero si Derek lang ang nakita ko na ipinakilala niya sa publiko bilang kanyang boyfriend.

Sa dalas ng pagsasama nina Andrea at Derek, marami ang nagsasabi na magkamukha na sila.

Nagugulat nga sina Andrea at Derek sa mga komento na magkahawig na sila. May kasabihan kasi na kapag palaging magkasama ang dalawang tao, nagiging look-alike na sila at puwedeng magkatuluyan

Sana nga humantong sa altar at ma­ging forever ang kanilang relasyon dahil pareho sila na mabuti at mapagmahal. Sana, silang dalawa na talaga.

Chaye may kakaibang charm

Ang favorite Revilla ko na si Chaye Cabal-Revilla ang isa sa mga ninang sa kasal nina Jolo Revilla at Angelica Alita.

Nakakatuwa na talagang bilang asawa ni Congressman Strike Revilla, naging very close si Chaye sa lahat ng members ng mala­king Revilla clan.

Iba rin kasi ang charm at PR ni Chaye kaya hindi kataka-taka na madali siyang napamahal sa lahat ng mga tao na nakakasalamuha niya.

At huwag isnabin, beauty and brains ang Mama Chaye na talagang nag-master pa sa abroad kaya naman very efficient sa kanyang pagiging right hand girl ni Papa Manny V. Pangilinan.

Isa sa pinaka-trusted na tao ni Papa Manny Pangilinan si Mama Chaye at ang kanilang Gabay Guro Foundation ang isa sa pinakamatagumpay na tumutulong sa teachers sa buong Pilipinas.

Ang tindi ng pananalig ni Chaye na ang edukasyon ang pinaka-mabisa na sandata ng isang tao sa pag-unlad sa buhay kaya dapat na mataas na respeto at pagmamahal ang ibigay sa mga teacher.

At hindi lang ang Gabay Guro ang brainchild nina Papa MVP at Mama Chaye dahil kamakailan lang, inilunsad nila ang Gabay Kalikasan na may layunin naman na pangalagaan ang ating kalikasan.

Napakaganda ng motibo nina Papa MVP at Mama Chaye dahil importante talaga na alagaan natin ang kapaligiran para sa kinabukasan ng mga kabataan.

Nakakaalarma ang mga nangyayari sa paligid dahil sa climate change kaya seryoso ang mga opisyal at miyembro ng Gabay Kalikasan na tumulong sa pangangalaga sa ating kalikasan.

Sinabi ni Papa MVP na ipagbabawal na niya sa opisina nila sa PLDT ang paggamit ng plastic na isa sa mga nakakasira sa kalikasan. Bongga ang mga layunin ng Gabay Kalikasan at sana, makiisa ang lahat dahil tayo rin ang makikinabang.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with