SCARLET & ELIAS
Anak ni John Lloyd at Scarlet nag-bonding
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2019 - 12:00am

Inuulan ng likes ang photo na pinost ni Scarlet Snow Belo na kasama niya si Elias Modesto Cruz, ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Isinama ni JLC ang anak sa Kyoto, Japan na kung saan, naroon din si Scarlet na isinama ni Dra. Vicki Belo dahil ninang siya sa wedding nina Vhong Navarro at Tanya Bautista-Navarro.

Ayun, nag-bonding ang mga bagets. 

Agree kami sa mga nagsabing mas kamukha ni Ellen si Elias kesa kay JLC at pati Chinese eyes ni Ellen, nakuha dahil singkit si Elias.

Carmina sumagot sa tsikang hiwalay na sila ni Zoren

Natsismis palang hiwalay na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel at nalaman ito ng aktres dahil sa fans nila ng asawa na sumugod sa Instagram (IG) niya para itanong kung totoong hiwalay na sila ni Zoren.

“We are in the same photo. Living in one house, and yes we are still and will forever be together,” sagot ni Carmina.

Ang nangyari pala, may post na kumalat na hiwalay na sina Zoren at Carmina, pero sa huli ng post, may in-advertise na skin product. Ipinadala kay Carmina ang link na nakasulat na hiwalay na sila ni Zoren, bagay na hindi na yata tiningnan ni Carmina.

Matanong nga si Carmina sa fake news na ito na ginamit pa nila ni Zoren para i-promote ang isang skin products. Makakausap siya bukas, Monday, sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Sunod  sa direction ni Carlo Ledesma at produced ng Ten17 Productions at Globe Studios.

In fairness, nakakatakot ang teaser ng Sunod, lalo na siguro ang trailer nito na ni-release kahapon at pinanood namin, ayun, pati kami nagulat nang biglang umigtad sa kanyang kinaupuan si Carmina. Pati ang recording nang pinapakinggan ni Carmina na nagpaigtad sa kanya, pinost din na talagang nakakatakot.

Sec. Berna naimpluwensyahan ni Marian

Mukhang naimpluwensiyahan ni Marian Ri­vera si DOT Sec. Berna Romulo-Puyat sa pagsusuot ng damit na? gawang lokal. Nang magkita kasi sina Sec. Berna at Dingdong Dantes. Sec. Berna, pointed out na mala-Marian Rivera ang suot niya that time.

Inilagay pa nito sa IG Story niya ang suot na damit at necklace na alam agad na locally made at local product ang ginamit.

Matutuwa nito si Marian na kahit isa, may naimpluwensiyahan siyang i-patronize ang local products natin at pati na rin ang manggagawang Pinoy.

May nilulutong project siguro si Dingdong with DOT, kaya nakipag-meeting kay Sec. Berna at kasama pa niya sa meeting si Coach Rio dela Cruz, kilalang runner/coach/event organizer.

BERNA ROMULO-PUYAT CARMINA COACH RIO DELA CRUZ DOT ELIAS MODESTO CRUZ HIWALAY SCARLET SNOW BELO SEC. BERN ZOREN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with