^

PSN Showbiz

Nameke...Ms. Grand International grabe ang ginawang kahihiyan sa bayan!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Nameke...Ms. Grand International grabe ang ginawang kahihiyan sa bayan!
Samantha

Walang visa at fake ang passport ng ating Bb. Pilipinas Miss International na si Samantha Lo. Napigil ang biyahe nito patungong Caracas, Venezuela para sa international pageant.

Na-detain ito ng maraming oras sa Paris Charles de Gaulle Airport nang walang pagkain at tubig man lamang bago siya idineport ng Pilipinas.

Dapat ay sinisiguro ng Bb. Pilipinas orga­nizers ang mga papeles ng kanilang mga ipinadadalang kandidato natin sa ibang bansa para hindi sila malagay sa kahihiyan.

Pinalitan si Samantha ng runner-up niyang si Aya Abesamis, anak ng isang naging Bb. Pilipinas-Universe Desiree Berdadero at may hawak ng titulong Bb. Pilpinas Grand Interational pero huli na siya, nagsisimula na ang international pa­geant. Tsk. Tsk. Tsk.

Dating mga taga-That’s tuloy ang laban sa TNT

Matapos ma-gong ni Shirley Fuentes sa TNT Celebrity Champions, tila mas marami pang dating taga-That’s Entertainment ang sumasali sa pakontes.

Sa halip na ma-discourage sa naging kapalaran ng isa nilang ka-Thats... parang mas na-inspire pa sila na itayo ang bandera ng kinabilangan nilang pinakasikat na programang pang-kabataan na itinatag ng namayapang Master Showman na si Kuya Germs.

Sumali na’t natalo sina Joed Serrano, Maricel Morales, Mariyn Villamayor, at pinaka-huli si Jojo Abellana na kahit mahusay ang performance ay luz valdez din.

Sino pa kaya ang susunod? Ogie wagi ring Best Actor sa Manhattan

Hindi na masasabing tsamba ang Best Actor award ni Ogie Alcasid mula sa Star Awards for Movies ng PMPC para sa pelikula niyang Kuya Wes.

Best Actor din kasi siya para sa nasabing film sa International Film Festival Manhattan 2019. Sana ma-inspire pa ang singer/composer na gumawa ng projects na kung saan ay umaarte siya’t hindi kumakanta.

Julia may bagong laban na naman!

Kung may malaking naapektuhan sa naging pag-aaway ng magkakapatid na Barretto na nasali pa ang mga mas batang miyembro ng pamilya, ito ay si Julia Barretto. Hindi pa man siya nakakaraos sa isyu at iskandalong kinasangkutan niya sa naging hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, heto na naman siya at umaaning muli ng galit at panlilibak ng mga tagasubaybay ng showbiz dahil lumahok siya sa away ng mas nakatatandang Barretto, sa burol ng lolo niya na kinasangkutan nila ng mga tiyahin niya’t pinsan.

Bago ito ay nagkaro’n din sila ng isyu ng ama niyang si Dennis Padilla na naayos nila ng mabilis kundi baka hindi nakaarangkada ang karera niya.

Dito sa huli makalusot din kaya siya?

vuukle comment

MS. GRAND INTERNATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with