Jed Madela 'pangarap' maka-collab ang vlogger na si Mimiyuuuh

Nang tanungin kung paano niya gusto makatrabaho ang vlogger, ito ang sinabi ni Jed: "Tuturuan niya akong kumanta."
File; Instagram/mimiyuuuh

MANILA, Philippines — Sa kasalukuyang punto ng karera bilang mang-aawit, inilahad ni Jed Madela na marami siyang gustong makatrabaho ngayon sa industriya ng showbiz.

Pero ang kanyang pinakapapangarap daw, ang maka-collab ang nasa likod ng viral video ng "Dalagang Pilipina."

"

[A

]ng pinaka-dream

collab ko si Mimiyuuuh," pagbabahagi niya sa panayam ng News5.

Sa sobrang katanyagan ng nabanggit, aabot na ng limang milyon ang views ng kanyang video sa Facebook, dahilan para gayahin na siya nang marami, kabilang ang ilang celebrities.

 

 

Nang tanungin kung paano niya gusto makatrabaho ang vlogger, ito ang sinabi ni Jed: "Tuturuan niya akong kumanta."

Kilala kasi ang vlogger sa maya't mayang niyang pagkanta nang may kulot sa mga Youtube videos.

"

Mimiyuuuh,

alam mo na,

nagte-text na

tayo,

pero

sobrang busy mo. Mag-block

ka

naman

ng

kahit

ilang oras

lang at

turuan mo

akong

kumanta. 'Yung

Mimiyu-uh-uh-uh-uh,"

dagdag

ni Jed.

Ang social media icon, na

noo'y

laman

lang

ng internet,

nilalapitan na rin

ng

malalaking brands

dahil

sa

malawak

niyang

impluwensya.

Bagama't

anim na buwan pa lang ang nakakaraan nang magsimula siyang mag-vlog noong Marso 2019, pumapalo na ng 1.14 milyon ang subscribers niya sa kanyang channel.

Sa

ngayon,

ibinahagi

ng Hall of Famer

ng World Championships of Performing Arts na

sabik na

sabik na

siya

sa

mga

paparating

niyang

mga collaborations

sa

iba't

ibang artists at vloggers.

"Actually

bukas,

magco-collaborate kami

ni John Mark Saga. We're doing like a

collab,"

dagdag

ni Jed.

"Hopefully,

iba-

ibang

mga artists,

makaka-collab

ko rin." — may mga ulat mula sa News5

Show comments