Biyahe ni Drew bilang Kapuso, tuluy-tuloy!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapuso pa rin ang award-winning TV personality at host na si Drew Arellano matapos siyang mag-renew ng contract sa GMA Network last Tuesday morning.

Mismong si GMA Network Chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon ang dumalo sa nasabing contract signing kasama ang iba pang GMA executives.

Ibinahagi ni Drew na hindi niya nararamdaman na nagtatrabaho siya sa Kapuso Network. “You know what they say. If you love your job, it doesn’t seem like job. I get to travel with the entire Biyahe ni Drew crew or make kids learn through AHA,” sabi niya.

Para kay Drew, hindi magiging matagumpay ang dalawang award-winning shows niya kung wala ang kanyang GMA Public Affairs family lalo na ang Biyahe ni Drew at AHA! teams na buong-puwersa ang pagsuportang ipinakita sa Kapuso host sa kanyang contract renewal at media interview last Tuesday.

“I think anyone can produce a travel show but not everyone can have my team. Our chemistry is pretty solid that’s why we are very efficient with our work. It’s a fine group of people that you will be happy with f or 14 years and will probably be happy for another 14 years,” ani Drew.

Naikuwento rin ni Drew na sa GMA 7 niya nakilala ang kanyang asawang si Iya Villania-Arellano. Matatandaang nagkasama sila sa youth-oriented show na Click.

After 14 years, hindi lang loyal Kapuso si Drew, mga magulang na rin sila ni Iya kay 3-year-old Primo at 1-year-old Leon. Bago pa man daw siya lumagay sa tahimik, gusto na talaga ni Drew na maging isang mabuting ama. Kaya naman upang mas mabigyan ng oras ang kanyang pamilya, tatlong beses lang siya sa isang linggo kung magtrabaho at mas pinipiling makasama ang kanyang asawa at anak kaysa lumabas kasama ng mga kaibigan.

Unang napanood si Drew sa Click at nakasama rin siya sa longest running morning show host na Unang Hirit. Noong 2005 ay naging host show siya sa travel show na Balikbayan ng QTV na naging Weekend Getaway sa GMA News TV.

Taong 2010 naman nang maging bahagi siya ng award-winning info-tainment show ng GMA Public Affairs na AHA!

“For AHA, it’s not just about learning. It’s about having fun while learning and I think that is the most effective tool so that your kids will learn. Our goal is to be an edu-tainment type—educational at the same time, entertaining. That’s what we’ve been doing for the past 10 years,” aniya.

Napapanood din si Drew sa nililibot ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas at ibang bansa sa Biyahe ni Drew na nagsimulang umere sa GMA News TV noong 2013.

“I feel that we, the Biyahe ni Drew crew, are in a very lucky position. We bring our cameras and get to feature super isolated places and share it to our viewers,” Drew shared.

Nakarating na rin ang Biyahe ni Drew sa Singapore, South Korea, Taiwan, Japan, Brunei, Malaysia at Hong Kong. Pumunta na rin ito sa Kenya, Zimbabwe, Zambia, Israel, at Jordan. Kinakampanya din nito ang Biya-Hero at Sustaina-Goals advocacies.

DREW ARELLANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with