Ion takot mawalan ng career ‘pag iniwan ni Vice?!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - October 4, 2019 - 12:00am

Kawawang Ion Perez, mawawalan daw siya ng karera kapag naghiwalay sila ni Vice Ganda. Mawawala na rin daw siya sa It’s Showtime. Paano ‘yun, ipapatanggal siya ng Unkabo­gabol Star, ganun?

‘Di ba sila puwedeng maging friends after nilang magkarelasyon kung dumating na sila sa ganung point?

Pangit naman kung dahil dito ay ipipilit nila ang relasyon nila kapag nagkasawaan na sila. Sana lang magtagal sila, until such time na makaya na ni Mr. Escort na makatayong mag-isa.

Sarah hinahanapan ng leading man sa bagong pelikula

Napanood ko ang trailer ng Unforgettable ni Sarah Geronimo kung saan ang ka-partner niya ay isang aso. Promising, parang pambata. Andun din si Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Maghahanap ng kapareha ang manonood para sa Pop Princess, ‘yung lalaki at hindi aso.

Rambo… ni Sylvester Stallone hindi na bumenta

Maganda naman ang pelikulang Rambo Last Blood, ‘di puwedeng ‘di ko panoorin dahil napanood kong lahat ang Rambo movies ni Sylvester Stallone. Binagay sa edad niya ang role niya sa movie kung saan isa siya sa producers.

Tiyuhin siya ng isang babae na napunta sa sindikato ng droga. Kailangan niya itong iligtas pero, hindi niya ito nagawa sa teritoryo nila, kailangan niyang dalhin ang mga kalaban niya sa lugar niya na kung saan ay naganap ang napaka-bayolenteng paghihiganti niya sa krimeng ginagawa nila sa pamangkin niya.

Hindi kumita ng singlaki ng inaasahan ang pelikula dahil ang mga dating manonood ni Stallone ang suki ng ganung movie, hindi mga milenyal.

Vice Gov. Jolo at Angelica Alita wala nang atrasan ang kasal

Pakakasalan na ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang nobya niyang dating Bb. Pilipinas at isa ring pastry chef na si Angelica Alita bago matapos ang 2019. Magaganap ang kasal nila sa California, USA. Ang ex kaya niyang si Jodi Sta. Maria, hindi pa ba magpapakasal?

Abala ang aktres sa kanyang pag-aaral ng medisina, nakatulong marahil ang paghihiwalay nila ni VG Jolo para hindi siya mawala sa dean’s list.

Jowable ni Kim nangabog!

Sikat na si Kim Molina after the long week success of Jowable sa mga sinehan meron na agad siyang follow up films from Viva at hindi lang iisa ha? Kung hindi dala-dalawa pa, ito ay ang Tililing at Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

Doble ang kasiyahan ni Kim dahil umuwi ng bansa ang kanyang parents na matagal nang nasa Saudi Arabia. Proud sila sa kanilang anak at suppor­ted nila ang trabaho nito.

Matatandaan na hindi sila keen when Kim first entered showbiz, iba ang gusto nila para rito.

Naapektuhan daw ng malaki ng Jowable ang mga kasabay nitong foreign film. Sana magtuloy ang pamamayani nito sa takilya sa kanyang se­cond week of showing. Unlike Rambo, na hindi na masyadong kinagat ng manonood, mas mabigat na kalaban sina Jennifer Lopez at Julia Stiles, at Jackie Chan at Arnold Schwarzennegger. Pero, mahirap sundan ang suwerte ni Kim kahit naiinis sa kanya ang marami dahil salbahe siya sa Kadenang Ginto.

ION PEREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with