^
LV bag ni AiAi, itinapon ng magnanakaw na nakaakyat sa kanilang bahay
AiAi

LV bag ni AiAi, itinapon ng magnanakaw na nakaakyat sa kanilang bahay

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2019 - 12:00am

Scary naman ang nangyari sa mag-asawang AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan noong mada­ling-araw ng Biyernes, September 6.

Ang kuwento sa akin, pinasok ng hindi pa nakikilala na magnanakaw ang kuwarto nina AiAi at Gerald habang natutulog sila.

Dahil daw siguro sa sobrang pagod, hindi namalayan ng mag-asawa na nakapasok sa kanilang bahay sa pamamagitan ng pag-akyat sa terrace nila na may pinto papunta sa bedroom nila.

Tanghali na raw nang madis­kubre nina AiAi at Gerald na nawawala ang kanyang Louis Vuitton bag na nakita nila na nakakalat sa kalsada sa harap ng kanilang bahay.

Ang duda ng may alam ng kuwento, amateur ang magnanakaw dahil kung professional ito, alam niya na mas mahal ang LV bag kesa sa cash na tinangay at kung sanay siya sa pagnanakaw, hindi lamang ang bag ni AiAi ang kanyang pag-iinteresan.

Nang malaman nga raw nina AiAi at Gerald na biktima sila ng akyat bahay, saka nila naalaala ang galit na galit at never ending na pagtahol ng kanilang pet dog na si Sailor.

Hindi naman daw naisip ng mag-asawa na may stranger sa kanilang bakuran dahil matagal na silang nakatira sa private subdivision sa Quezon City at walang insidente na pinasok ng magnanakaw ang kanilang bahay.

Ang nakakaloka raw na pangyayari ang dahilan kaya pinataasan agad ng mag-asawa ang bakod ng kanilang bahay at nagpalagay sila ng mga CCTV camera sa paligid. Kaya talagang kapag tumahol na kakaiba ang aso, ma-ging warning ito sa ating lahat na may nakaamba na panganib.

Shooting ng mga pelikulang kasali sa MMFF nanahimik

Ang pagiging tahimik ng shooting ng mga pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival sa December 2019 ang napansin ko.

Maliban sa pelikula nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza na alam ko na  halos patapos na ang shooting, walang balita tungkol sa filming ng ibang filmfest entries.

Hindi pa ako nakakarinig ng balita tungkol sa shooting ng pelikula ni Kris Aquino. Binigla rin tayo ng announcement sa Carmina Villarroel horror movie na kapalit pala ng pelikula ni Kris.

Maganda rin na tahimik ang shooting ng MMFF movies dahil lalong kasasabikan ang resulta. May feeling ako na mas magiging malaki ang box-office gross ng MMFF dahil ito ang ultimate ending for the year, ang mga pelikula sa December filmfest.

Gamot na ini-endorse nina Gloria, Nova at Pilita, mabisa!

Type na type ko na uminom ng Lola Remedios, ang produkto na gamot sa ubo at lamig na ini-endorso nina Gloria Romero, Nova Villa at Pilita Corrales.

Saksi ako nang bigyan ni Budingding si Sandara Park ng sampung boxes ng Lola Remedios nang magpunta kami noon sa South Korea.

Ininom agad ni Sandara ang isang sachet ng Lola Remedios na type niya ang lasa.

Tulad ngayon, inuubo at medyo may sipon ako, drink agad ako ng Lola Remedios na mas trusted ko ngayon dahil si Noel Ferrer ang starring sa bagong commercial.

Pahingi ng Lola Remedios my dear Noel. Bongga ka, busy ka na sa Metro Manila Film Festival, busy ka pa sa pagbebenta ng  Lola Remedios.

AIAI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with