Marian
Marian nagpaliwanag sa pagpapakain agad ng gulay sa anak
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

Nagpaliwanag si Marian Rivera sa mga ‘concerned netizen’ sa mabilis niyang pagpapakain ng solid food sa bunso nila ni Dingdong Dantes na si Ziggy.

Nag-upload kasi si Marian ng photo ni Ziggy na naubos ang ‘puree brocolli.’ May mga pumuri na very good naman at four months pa lang si Ziggy, kumakain na ng solid. Pero may nagpahayag naman ng ‘worries’ na hindi pa raw advisable sa isang sanggol na tulad ng tisoy na anak nila ni Dingdong ang kumain ng gulay lalo na’t active campaigner si Marian ng pagpapa-dede ng ina.

Pero ayon sa actress, ang pediatrician nila ang nag-advice na puwede nang kumain ng ganun si Ziggy base sa explanation ni Yanyan sa kanyang IG account  : “Nais kong ipakita ang suporta ko sa breastfeeding advocacy magmula noon hanggang ngayon. Bagamat nakapagsimula ako ng solids kay Ziggy sa mga nakaraang araw base sa payo ng aming pediatrician, wala akong plano na ihinto ang aking pagiging padedemom sa aking bunso. Batid ko ang kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso mula 0-6months. Isang pakiusap lamang po, nawa’y sa adbokasiyang eto ay hindi tayo makasakit ng damdamin ng mga kapwa natin ina, nawa’y hindi gamitin ang pangalan ko sa mga kumento at mensahe na humuhusga sa pag bigay ko ng masustansyang gulay sa aking anak. Kinikilala ko po ang rekomendasyon ng WHO patungkol sa complementary feeding. Eto po ang sundin nyo. Kung meron man akong ginawa na hindi base dito, huwag naman sana itong maging batayan para ako ay mahusgahan. Lahat po tayong ina ay gusto lamang ang “best” sa kanyang anak. Hanggat kaya ko ay lalaban ako bilang #padedemom.”

 Besides, hindi naman ‘yun gagawin ni Marian kung alam niyang hindi puwede sa baby.

Good job Yan.

Sue pinanood ang pagsa-shower ni RK

Umabot na sa 1 million views ang trailer ng pelikulang Cuddle Weather nina Sue Ramirez and RK Bagatsing.

Kung sabagay may landi ang nasabing trailer na sabi nga ni Sue pinaka-fearless role na ginawa niya. “This is the most fearless role that I’ve taken on,” pahayag niya in which she plays a prostitute. The said film is an official entry to the upcoming Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Nauna nang nag-trending ang poster and teaser ng movie.

Makikita sa poster sina Sue and RK in a very suggestive and daring position, which immediately gives an idea what the movie is about. Well, hindi ito  surprising because the movie tackles a sensitive topic pero nag-e-exists  pa rin in the community.

In the movie, pino-portray nina Sue and RK ang characters who are in the prostitution industry.

“I am a sex worker here. Kasama ko dito si RK Bagatsing,” sabi ni Sue kaya naman ang pa-hashtag niya sa role niya nang makita niya halos ang kaluluwa ng aktor, “tlangyan.”

Pero sa kabila ng seriousness ng pelikula, pasok pa rin ito sa romantic-comedy genre. “It’s a different side of me. It’s something that I’m afraid of, but kinagat ko and kapag nandon ka na, you’re gonna have that urge to do well at it. Kasi kapag may mga tinanggap akong bagay sa buhay ko, gusto ko fight ako talaga, as in,” kuwento pa niya.

Dahil tanggap niya kung anong role niya, all out siya sa lovescene nila ni RK.

“Si RK is super gentleman. Hindi ako nakaramdam ng ilang. I feel safe around RK, so that’s a great partnership pag nagtatrabaho kayo. You have to be really comfortable. You have to feel safe with each other. Meron nga si Ram, his cha­racter, na shower scenes tapos pinapanood sya ng character ko.”

Hanggang saan ba ang kaya niyang gawin?

“As far as they need me and as far as Star Magic will allow me. But the character of the movie, maganda ang journey ni Adela Johnson. Mararamdaman ng mga makakapanood nito ang kilig at ang pagi­ging strong and ang weakness ni Adela, because sila din ay may marupok na puso.”

Tatalakayin din dito kung paano ba sila mabuhay sa panahong ito at nai-in love pa ba ang mga katulad nilang prosti na ngayon ay iba-iba na ang tawag. “It’s funny, it’s very witty, it’s not your typical hugot film, hindi lang huhugot, babaon pa sa inyong mga puso,” she beams.

Bagong karanasan naman for RK ang gumanap na sex worker na karaniwang napapanood sa top rating teleserye ng ABS-CBN.

“Ito, masasabi ko na kakaiba sa ginagawa ko on television. Making a movie like Cuddle Weather, portaying a role as a sex worker, bagong expe­rience, hindi palaging may ganito.”

Pero bago sila sumabak sa pelikula, pinag-aralan nila kung ano ba talaga ang pagiging prosti. “Nakausap namin ‘yung mga totoong tao at respeto ang maibibigay namin sa kanila. Ito din ‘yung gusto namin ipahatid sa mga tao.

“My first reason in making this film is to examine sex, its beauty and tragedy, through a love story of two sex workers who don’t make love until the latter part of the film,” sabi naman ng director and writer of ‘hugot’ books, Rod Marmol.

Cuddle Weather is produced by Regal Entertainment, Inc., and line produced by Project 8 San Joaquin for Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

 

MARIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with