True ba? Ex Pres. Noynoy dumaranas ng depression?!

True ba? Ex Pres. Noynoy dumaranas ng depression?!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2019 - 12:00am

“He is sick. He is not okay. I’m not at liberty to say what’s wrong with him,” sabi ni Kris Aquino sa TV interview kahapon tungkol kay ex Pres. PNoy sa hindi nito pagdalo sa paggunita ng death anniversary ng kanilang ama kahapon sa Manila Memorial Park.

Ang tagal na ngang nababalitang may sakit si former President Noynoy. Kuwento nga ng isang nakakita sa kanya nung minsan, para raw hindi ito nagsuklay nang pumunta sa isang dinner. Though hindi naman talaga niya kailangang magsuklay dahil hindi naman kakapalan ang buhok niya.

Dati nang may nag-mention na nagkaroon diumano ng depression ang dating pangulo ng bansa at feeling nang ka-text ko kahapon baka ito ang sinasabing sakit ng dating pangulo.

Huling balita kay ex President Noynoy ay ang umano’y posibleng kasuhan ito ng Health Committee ng 17th Congress kasama ang iba pa niyang mga cabinet secretary dahil sa Dengva­xia vaccination program na umano’y maraming nabiktimang mga batang naturukan noong kanyang termino.

Anyway, 36 years ago na pala nang i-assassinate ang father nina Kris at PNoy na si former senator Benigno Aquino sa Manila International Aiport. Ahh ang bilis lang talaga ng panahon.

NOYNOY AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with