^

Mali-maling eksena sa teleserye pinagtatawanan ng mga doctor!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2019 - 12:00am

Napag-uusapan sa grupo ng mga nurse ang isang teleserye ang isang eksena na kung saan isinugod sa ospital ang aktres na isa sa may mahalagang role na ginagampanan.

Ang dialogue raw ng talent na gumaganap na doktor, “na-check n’yo na ba ang vital statistics?”

Sa halip na vital signs, “statistics” ang nabanggit na hindi siguro napansin ng doktor, nakalusot ang eksenang iyun.

Pinaglaruan ito ng mga medical people na tawang-tawa sa nasabing eksena.

Hindi ko kasi napanood ang teleseryeng iyun kaya hindi ko mabanggit kung ano ito.

Pero hindi na bago ang gani­tong blunder sa mga programa o kahit sa pelikula kaya dapat meron talagang expert na may alam sa mga ganitong procedure sa hospital.

Nangyari nga ito minsan sa taping ng isang teleserye na kung saan ang bidang lalaki ay kailangang hubarin ang t-shirt dahil ipapasok ang tubo sa kanyang bibig.

Ayaw ng aktor na mag-topless dahil ang taba raw niya.

Kahit anong pakiusap, tumatanggi ito dahil makikita ang bilbil niya na hindi naman ganun kalaki, kaya puwede pa ring matago.

Pero ayaw daw talaga, hanggang sa napapayag din nang pinakiusapan ng direktor na baka mapuna sila dahil hindi raw tama iyun kung nakadamit siya.

In-assure lang sa kanya na hindi mahahagip ang bilbil niya.

Napapayag din daw bandang huli, pero nag­dabog pa raw muna ito nang bonggang-bongga.

May mga ganung baltik ang ibang artista, na minsan naaapektuhan ang isang eksena para maging kapani-paniwala.

Aiko pumiyok sa young stars na walang respeto

Prima Donnas na rin lang ang title ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na magsisimula na sa Lunes, August 19, napag-usapan namin ni Aiko Melendez ang mga nagpi-prima donna na mga artista na naobserbahan daw niya sa ilang kabataang artista sa ngayon,

Wala pa naman daw siyang masasabi sa tatlong bida rito sa Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo dahil hindi pa raw sila nagkasama sa ta­ping.

Pero sa mga nakatrabaho niya noon na obvious sa kabilang istasyon pa, naobserbahan daw niyang iba na ang attitude ng karamihan sa mga young star na parang may sarili raw silang mundo.

“Alam mo ang napansin ko, ang mga bata ngayon, hindi na sila ganun ka-mindful sa mga senior actor ngayon. Yung ‘hi good evening po’. Sa mga reporters, ‘magandang gabi po ganyan’.

“Yung hihintayin nila na sila ang unang papansinin. Hindi ko alam kung dahil ba sa training na nahihiya sila na sila ang mauna. Kaya minsan tuloy, just to break the ice, ako ang nauuna, ‘hi ako po si Aiko Melendez, ka-work nyo ako.

“Hindi yun pang-iinsulto ha? Ginagawa ko lang yun kasi gusto ko ma-imbibe nila yung ganung attitude na dapat may respeto sa senior stars.

“May sarili silang mundo. Hindi lang sa GMA ha? Both channels madaming may ganyan, na may amnesia factor,” pahayag ni Aiko.

Iyun lang daw talaga ang kaibahan ngayon ng karamihan sa mga kabataang artista na umakyat na sa ulo ang kasikatan.

Sabi naman ni Gina Alajar na direktor ng Prima Donnas, kaya nagkakaganyan daw ang ibang kabataan dahil sa meron daw network na nag-aalaga sa kanila.

“Iba kasi sila ngayon kasi sila alaga sila ng network. Kumbaga, handpicked sila. Hindi katulad noon na ganyang edad ako na katulad nila na galing sa child star tapos nag-teenager, kumbaga parang ano…yung kalakaran ng showbiz di ba? yung kung sino lang kumuha sa ‘yo, yung ganun. Hindi mo alam kung anong platform kung papano ka ibi-build up yung ganyan,” pakli ni direk Gina.

May mga na-encounter daw siyang mga kabataang artistang ganun ang attitude pero hindi raw niya ito tinu-tolerate.

Mabuti at wala naman daw ganun sa mga batang bida niya sa Prima Donnas.

Ruru naiyak sa ‘single’

Ini-launch na ng GMA Music ang bagong single ni Ruru Madrid na Nawawala na napapakinggan na sa Spotify at Apple Music.

Isa sa unang tanong sa kanya, bakit single pa lang ang ibinigay sa kanya. “Kasi single ako,” pabiro niyang sagot.

Maganda itong hugot song na Nawawala ni Ruru na proud nga niyang kinuwento sa aming 20 minutes lang niya na-record dahil nakaka-relate ka raw agad sa kanta at madaling sabayan.

Kering-keri ni Ruru na sagutin ang mga nakakaintrigang tanong lalo na sa kanyang lovelife.

Mas gusto raw niya pagdating sa mga personal na bahagi ng buhay niya ay gawing pribado na lang para malayo na lang sa intriga.

Minsan daw ay nagiging sanhi pa ng away at nagugulo pa ang isang relasyon.

“Kasi siyempre, pag mga ganyan po kasing klaseng, yan ang mga relationship na mga bagay na involved na yung personal na buhay, mas better po sigurong ganun,” tipid na sagot ng Kapuso young actor.

Kahapon ng hapon ay ini-launch na rin sa Facebook at sa iba pang digital platform ang music video ni Ruru na dinirek ni Miggy Tanchanco.

Sobrang nadala raw siya sa kanta na nagsimula pa lang daw ang shoot nito ay naiiyak na siya.

AIKO MELENDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with