^

PSN Showbiz

Miss U 2019 target uli ang Pinas?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Miss U 2019 target uli ang Pinas?!
Miss Universe Iris Mittenaere

Alam mo, Salve A., hindi malayong dito muli sa Pilipinas ganapin ang 2019 Miss Universe matapos dumating sa bansa ang pangulo ng Miss Universe Organization (MUO) na si Paula Shugart para tingnan ang biggest arena sa bansa, ang 55K-seater na Philippine Arena in Sta. Maria,  Bulacan.

Although hindi pa nagpaparamdam ang businessman-politician na si dating Vigan, Ilocos Sur Gov. Luis `Chavit’ Singson sa kanyang involvement, nakita ring kausap ni Paula ang actor-entrepreneur na si RS Francisco.

Hindi ikinakaila ng president ng MUO na si Paula Shugart that they had a very good experience holding the 2016 Miss Universe pageant sa Pilipinas na ginanap sa MOA Arena nung January 30, 2017 kung saan nanalo ang kinatawan ng France na si Iris Mittenaere.

Sa totoo lang, sobrang na-spoil ang mga taga-MUO at mga kandidata ng Miss Universe ni former Gov. Chavit Singson nang dito sa Pilipinas ganapin ang Miss Universe pageant dahil provided sila ng eroplano at tourists buses saan man sila magpunta.  Maging ang three-storey na yate ng businessman-politician ay ipinatikim sa kanila.

Jericho, Sam, Yen at Yam bagay sa movie

It was only last April 26, 2019 nagtapos ang hit TV primetime series na Halik na tinampukan nina Jericho Rosales, Sam Milby, Yen Santos at Yam Concepcion pero wala pang balita kung may kani-kanyang bagong TV assignment ang apat. 

Sa nasabing serye ay nagkapangalan nang husto sina Yen at Yam at napalabas nila ang kanilang husay sa pag-arte maging ang Fil-Am singer-actor na si Sam na matatas nang magsalita ng Tagalog at bumagay sa kanya ang kanyang bida-contravida role. Wala namang alinlangan ang pagiging mahusay na actor ni Jericho.

Maganda siguro kung muling pagtatambalin ang apat na lead stars ng Halik sa pelikula.

vuukle comment

PAULA SHUGART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with