^

PSN Showbiz

Gerald natakot sa kasal kay Bea?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Gerald natakot sa kasal kay Bea?!
Bea at Gerald

True kayang kasal na ang gusto ni Bea Alonzo kaya nag-ghosting si Gerald Anderson?

Kasal na raw kasi ang nasa isip ni Bea eh si Gerald daw, wala pa sa plano ang pag-aasawa ayon sa kuwento ng isang source.

Wala raw sa character nito na magpamilya agad at parang gusto munang mag-enjoy pa sa buhay.

Dagdag pa ng source. “Si Bea kasi serious na. Siguro gusto na ring mag-settle, magkaanak,” sabi pa ng isang kakilala nila.

Parang mas believable ang kuwentong ito.

Kasi nga baka natakot si Gerald sa kasal.

Hindi pa tapos ang issue kina Bea and Gerald / Julia Barretto.

Nanatiling tahimik sina Gerald at Julia sa mga pangyayari.

Si Julia ay nag-perform pa sa ASAP Bay Area na as if walang nangyayari at kasama si Joshua Garcia.

Si Gerald ay walang marinig na paliwanag. Pawang speculations lang.

HLG natalbugan na ng sinehan ang Hows…

Ang lakas talaga ng Frontrow.

Sila lang ang nakapasok na ‘product intrusion’ sa pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo and Alden Richards.

In all fairness sa nasabing kumpanya, sobrang lalaki ang endorsers nila. Imagine nakuha nila si Floyd Mayweather, Miss Universe Catriona Gray, former Miss Universe Pia Wurtzbach at KathNiel among others.

Samantalang pampaputi lang ang produktong binibenta nila pero bongga ang mga endorser nila. Mahal ba ‘yung mga produkto nila?

Kasi sa talent fee pa lang ni Mayweather at dalawa nating Miss U parang ilang milyon na kaya?

Dito sa HLG na tinalbugan na ang The Hows of Us sa rami ng sinehan na palabas, tiyak din malaki ang share nila. As of this writing 460 theaters na sila.

Though hindi obvious ha. Parang wala lang.

vuukle comment

BEA ALONZO AND GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with