^

PSN Showbiz

Rayver nagpasalamat kay Janine

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Rayver nagpasalamat kay Janine
Rayver

SEEN: Grateful at thankful si Rayver Cruz sa kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez dahil sa suporta nito sa pamilya nila nang pumanaw noong February 2, 2019 ang nanay niya na si Melody “Beth” Cruz. First time ni Rayver na nagsalita tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina sa presscon kahapon ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, ang afternoon suspense-drama series ng GMA 7 na mapapanood simula sa July 22, 2019.

SCENE: Napangiti si Rayver Cruz nang ikuwento nito ang pagiging “poised” ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Kapag sinabi ni Rayver kay Melody na bibisita si Janine, nagpapahid agad ng lipstick ang kanyang ina noong naka-confine ito sa ospital. Ulilang lubos na si Rayver at kanyang kapatid na si Rodjun Cruz dahil nauna nang pumanaw ang kanilang ama na si Rodolfo Ilustre noong 2009

SEEN: Si Julie Anne San Jose ang umawit ng Bulong, ang theme song ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

SCENE: Sinabi ni Kris Bernal na namimili na siya ng mga role. Mga challenging character ang mga gusto ni Kris na gampanan dahil nangangarap siya na manalo ng acting award.

SEEN: Pinsan ni Megan Young ang role ni Kim Domingo sa upcoming afternoon program ng GMA 7. Hindi masyadong nagkuwento si Kim tungkol sa karakter na ginagampanan niya sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko. Pagkatapos magpainterbyu, umalis agad si Kim sa presscon dahil may taping pa siya para sa Bubble Gang.

SCENE: Si Megan Young ang karibal ni Kris Bernal sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko pero no-show ang former Miss World sa grand presscon ng kanyang bagong show sa Kapuso Network.

vuukle comment

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with