"GMA Network has completed its internal investigation on the accident involving the late Mr. Eddie Garcia," sabi ng istasyon sa isang pahayag na inilabas kahapon.
Facebook/Juan Miguel Severo
GMA investigation sa aksidente ni Eddie Garcia tapos na pero 'di pa isinapubliko
James Relativo (Philstar.com) - July 3, 2019 - 1:19pm

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng GMA-7 na natapos na ang kanilang imbestigasyon sa malagim na sinapit ng aktor na si Eddie Garcia habang nagte-taping ng teleseryeng "Rosang Agimat" noong ika-8 ng Hunyo.

Binawian ng buhay si Garcia habang naka-comatose, ika-20 ng Hunyo, matapos dumanas ng "severe cervical fracture" o bali sa leeg.

"GMA Network has completed its internal investigation on the accident involving the late Mr. Eddie Garcia," sabi ng istasyon sa isang pahayag na inilabas kahapon.

(Nakumpleto na ng GMA Network ang sarili nitong imbestigasyon patungkol sa insidenteng kinasangkutan ni G. Eddie Garcia.)

Aniya, hiniling ng pamilya ni "Manoy" na mabigyan muna sila ng kopya nito bago maibahagi ang mga resulta.

"The family wishes to be given a copy before we share the report with the public," dagdag ng pahayag.

(Gusto muna ng pamilya na makakuha sila ng kopya bago ito mailabas para sa lahat.)

Una nang sinabi ng stepson ni Garcia na si 1-PACMAN Rep. Mikee Romero na natapilok ang kanyang amain sa ilang kable habang nasa shooting.

Posibleng parusa

Nag-utos na rin ng imbestigasyon ang Department of Labor and Employment patungkol sa insidente.

Wika ni Labor Secretary Silvestre Bello, aalamin ng Occupational Safety and Health Center ng DOLE kung sumusunod ba ang mga istasyon ng telebisyon sa mga safety regulations.

Sa pagtataya ni Bello, tila wala raw "occupational safety officer" habang kinukunan ang palabas.

Maaari naman daw humarap sa suspensyon ng operasyon at multang aabot sa P100,000 kada araw ang kumpanya, sa hiwalay na panayam ng CNN Philippines.

Tinitignan ngayon ang posibleng paglabag sa Republic Act 11058 o "Occupational Safety and Health Law."

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT EDDIE GARCIA GMA NETWORK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with