Eddie Garcia, 90, pumanaw na
Namatay si Garcia ganap na 4:55 p.m. ngayong araw habang naka-comatose. Siya'y 90-anyos.
Facebook/Juan Miguel Severo
Eddie Garcia, 90, pumanaw na
(Philstar.com) - June 20, 2019 - 5:40pm

MANILA, Philippines — Binawian na ng buhay ang beteranong aktor na si Eddie Garcia, Huwebes, ayon sa medical bulletin ng Makati Medical Center.

Namatay si Garcia ganap na 4:55 p.m. ngayong araw habang naka-comatose. Siya'y 90-anyos.

Nagtamo ng severe cervical fracture, o bali sa leeg, ang aktor buhat ng aksidente sa taping ng GMA-7 show na "Rosang Agimat."

"We join the entire Filipino community in praying for the soul of Mr. Garcia and his dearly beloved family and friends. We extend our deepest condolences to the Garcia Family," sabi ni Dr. Artemio Cabrera Salvador, division head ng patient relations department - quality management division.

(Sinasamahan namin ang lahat ng Pilipino sa pananalangin para sa kaluluwa ni G. Garcia at kanyang pamilya't kaibigan. Ipinaaabot namin ang aming pinakamalalim na pakikiramay sa pamilya Garcia.) 

Matatandaang sinabi ng pamilya na hindi nila tatanggalin ang life support ng aktor, ngunit inilagay sa "do not resuscitate" status. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

EDDIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with