^

PSN Showbiz

Jimuel at Heaven lagi nang magkasama

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Jimuel at Heaven lagi nang magkasama
Jimuel & Heaven

Sinasanay na nina Jimuel Pacquiao at Hea­ven Peralejo ang publiko sa kanila relasyon. Open na ang totoong personal na tambalan nila at madalas ay nakikita silang magkasama sa mga showbiz and non-showbiz events na pinupuntahan nila. Mukha namang tanggap at boto ang tao sa kanilang relasyon. Nag-cheer ang manonood sa kanila nang maglaro sila sa Minute to Win It. HIndi man sila nanalo, malayong mileage ang inabot ng kanilang exposure. Hindi nakapagtataka kung one of these days ay makita nang umaakting ang nakakabatang Pacquiao sa TV kasama ang maganda niyang nobya.

TV Channel nagmahal na!

Marami ang nagulat sa biglang pagtataas ng presyo ng KBO, mula P30 hanggang P99, para lamang mapanood ang mga pelikula na naunang ini-offer nila at palabas tuwing weekend lamang. Kahit pa sabihin na dumami ang mga pelikulang mapapanood sa karagdagang halaga at isang linggo nang mapapanood at hindi na tatlong araw lamang ay lubhang malaki pa rin ang karagdagang halaga at mahihirapang kayanin ng mga ordinar­yong manonood/mamamayan. Bukod sa aagaw ang P99 sa pambili nila ng bigas at ulam sa araw araw ay masasakripisyo pa ang maraming serye na nakaugalian na nilang subaybayan sa araw araw. Tsk. Tsk. Tsk.

Pokwang level up ang akting

Talagang gina­galingan na ni Pokwang ang pag-arte niya ngayon. Matapos mag-level up ang akting niya sa digital film na Oda Sa Wala, na kung saan ay ang tunay niyang pangalan na Ma­rietta Su­bang ang kanyang ginamit. Nagpakitang gilas din siya sa isang episode sa Maalala Mo Kaya kung saan gumanap naman siya bilang isang katutubo na nagsumikap para sa kanyang mga anak. Katambal niya sa nasabing palabas si Allen Dizon.

Nakatanaw na naman siya ng isang panibagong pag-asa na mapansin dahil sa Oda Sa Wala na kalahok sa Czech Film Festival.

vuukle comment

JIMUEL AT HEAVEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with