Barbie Imperial
Barbie mas gustong maging Valentina
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

Kung si Julia Barretto ay alanganin na mag-audition para sa Darna dahil katwiran niya ay wala siyang boobs, ano kaya ang dahilan ni Barbie Imperial na ayawan ito?

Pero, payag siyang sumubok na mag-audition para sa isa ring makulay na kontrabida at kalabang mortal ni Darna na si Valentina, ang babaeng maraming ahas sa ulo. Baka nga tulad siya ng mga naunang nag-Valentina na sina Celia Rodriguez, Pilar Pilapil, Alessandra de Rossi, Iwa Moto at ang nangangarap na mag-Valentina ngayon na sina Sarah Lahbati at Anne Curtis na naniniwala na sing halaga ang role ng kontrabida sa bida kaya mas mag-i-effort siya maging Valentina pero, hindi si Darna. 

Sarah tiyak na proud kay Matteo

Paano ba naman hindi gaganahan si Matteo Guidicelli na sumapi sa Armed Forces of the Philippines kung ganyang kapapalista pa lamang niya ay binigyan na siya agad ng ranggong 2nd Lieute­nant. Mukha talagang welcome na welcome siya sa Philippine Army at gusto nila siya kaya maganda ang pagtanggap nila sa kanya, Sarah Geronimo should feel proud.

Moira hindi na intimidated kay Regine

Hindi ko naman maintindihan kung bakit kinailangan pang mag-react ni Moira dela Torre sa mga basher niya na kumukwestyon sa pagkakakuha sa kanya bilang hurado ng Idol Philippines at ang mga hindi magandang desisyon niya sa mga nag-auditions. Wala naman siyang obligasyon na ipaliwanag sa kanila ang anumang desisyon niya para sa singing contest. Pangatawanan lang niya ang mga desisyon at opinyon niya.Nakakahanga nga na tila hindi na siya intimidated kay Songbird. Huwag siyang ma-insecure sa mga basher. Wala siya sa Idol Philippines kung hindi inaakala ng ABS-CBN na may karapatan siya.

Direk Perci may misyon sa Cannes

Hindi na si Perci Intalan ang direktor ng The Panti Sisters, si direk Jun Robles Lana na. Pagpoprodyus na lamang nito ang obligasyon niya. Tutulungan siya ng Black Sheep at ALV Productions. Sali ang film sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino at nagtatampok kina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables.

Nasa Cannes, France ngayon si direk Perci para i-represent ang kumpanya niyang IdeaFirst at makakabahagi sa Marche Du Films Cannes Producers Network ng Cannes Film Festival (May 14-25, 2019). Layunin niya na maipakilala dun ang mga local film productions gaya ng APT Entertainment, Inc., Globe Studios, Spring Films, TEN17P at ABS CBN. 

Pati suka peke…

Pati ba naman suka ginagamitan na rin ng pekeng pampapaasim? Maraming mahuhusay at mababait na Pinoy pero, marami pa rin ang salbahe. Kumita lang gumagawa ng ikasisira ng kapwa. Pati ba naman ito, kailangan pang pagtutuunan ng pansin ng gobyerno ganung mas marami ang malalim at masisidhing problema ang bansa? Pero kailangan dahil ang dapat na prayoridad natin ay ang buhay na tao. Ano ang sey ng  FDA, DOH, DTI at DA? Ayaw ni Pres. Duterte ng tatamad-tamad, baka bigla na lamang kayong mapatalsik kapag umagaw ng pansin niya ang pekeng suka.

BARBIE IMPERIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with