^

PSN Showbiz

John Lloyd nagbabalik, bumida sa bagong patalastas

James Relativo - Philstar.com
John Lloyd nagbabalik, bumida sa bagong patalastas
Sa ad na in-upload kahapon ng sikat na doner/shawarma brand, makikitang naglalakad si Lloydie na animo'y nanggaling mula sa malayong lugar.
Video grab from Turks' YouTube channel

MANILA, Philippines — Matapos mawala nang matagal panahon sa mata ng publiko, muling nagpaparamdam si John Lloyd Cruz — ngayon bilang isang endorser.

Sa ad na in-upload kahapon ng sikat na doner/shawarma brand, makikitang naglalakad si Lloydie na animo'y nanggaling mula sa malayong lugar.

 

 

Mahigit isang buwan na ang nakalilipas nang tila mamukhaan ni Piolo Pascual si JLC sa inilutang na online poster.

"If thats you i’m happy coz ur my brother???? welcome to the family!" sabi ni Piolo sa isang paskil sa Instagram.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

If thats you i’m happy coz ur my brother???? welcome to the family!

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual) on

 

Tulad ni John Lloyd, kilala ring endorser ng kaparehong brand si Papa P.

Oktubre taong 2017 nang kumuha ng "indefinite leave of absence" mula sa Kapamilya network ang matinee idol dahil diumano sa mga isyung personal.

Samantala, pinasinungalingan naman ng ilang litrato kamakailan ang haka-hakang naghiwalay na sina Lloydie at kanyang karelasyon na si Ellen Adarna.

Sa Instagram stories na in-upload ng ilang kaibigan, makikita si Ellen na niyayakap ang ngayo'y balbasing aktor sa Bali, Indonesia.

vuukle comment

ADVERTISEMENT

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with