^

PSN Showbiz

Finally...Geoff pakakasalan na ang ina ng mga anak

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Finally...Geoff pakakasalan na ang ina ng mga anak
Jeoff & Maya

Finally engaged na si Geoff Eigenmann sa ina ng kanyang anak na magdadalawa na. Ito si Maya Flores, bahagi ng isang magaling at sikat na singing duo. Matagal din bago naka-move on ang aktor kay Carla Abellana at nakatagpo ng isang bagong mamahalin sa katauhan ni Maya na dala sa kanyang sinapupunan ang magiging pangalawang anak nila ng aktor.

Maymay hindi inaasahang makakasama sina Kathryn at Alden

Isang malaking opportunity para kay Maymay Entrata na mapasama sa pelikula na pinagsasamahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye at nasa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina. Mas lalo siyang sisikat.

Lately, pawang mga magagandang break ang dumarating sa PBB grand winner. Bukod sa magandang takbo ng loveteam nila ni Edward Barber ay madalas siyang maimbita sa mga malala­king fashion shows na hinuhulaang magbibigay din sa kanya ng malaking pangalan.

Ang pagkakataong makasama sa Hello, Love, Goodbye ay isang pagkakataong hindi niya inaasahan pero matagal nang ipinagdarasal. Ina­asahan niyang marami siyang matututunan sa dalawa niyang kasamahan hindi lamang sa pakikipag-kaibigan kung hindi maging sa mahusay na pagtatrabaho.

Tabing Ilog mapapanood uli

Hindi nagkamali ang ABS-CBN na muling ipapanood ang isang serye na pinanggali­ngan ng marami nating artista ngayon tulad nina John Lloyd Cruz, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Kaye Abad, Baron Geisler at marami pa. Hindi sa ABS-CBN kung hindi sa iWant mapapanood ang Tabing Ilog, hindi paunti-unti kung hindi sa isang marathon na siguradong kalulugdan ng lahat.

EB sinamantala ang Sagradong Panahon

‘Di gaya ng It’s Showtime, minarapat ng mga taga-Eat Bulaga na samantalahin ang Mahal na Araw para makapagpahinga at maipagdiwang ang Sagradong Panahon sa pamamagitan ng paggawa ng tatlong movies for TV na nagtatampok sa lahat ng Dabarkads. Hindi naman basta-basta ang mga palabas dahil pumunta pa ang mga artistang tampok sa episodes sa General Santos City, Baguio at Japan para dun kunan ang mga palabas.

Siguradong pinakapagod ang Pambansang Bae na si Alden Richards dahil may shooting din ito sa Hong Kong ng movie nila ni Kathryn Bernardo at trinabaho niya pa ito bago lumipad pa-HK. That’s professio­nalism for him.

Personal…

May you have a meaningful celebration of the Holy Week.

vuukle comment

GEOFF EIGENMANN

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with