Jennylyn hindi nawala ang ebidensiya sa pambubugbog ng stepfather
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

Naging bahagi ng 33 years existence ng Pilipino Star NGAYON ang superstar na si Nora Aunor at si Jennylyn Mercado.

Posted sa Facebook Page ng Batang Pinoy 60’s to 90’s si Ate Guy na may hawak na dyaryong Pilipino Star. Batang-bata pa noon si Ate Guy at sobrang kainitan ng kanyang career. Pilipino Star pa noon ang pangalan ng aming pahayagan.

Sino namang makakalimot sa banner story noon ng Pilipino Star na ‘Anak ng OCW bugbog-sarado sa stepfather.’ Three years old noon si Jennylyn at hawak-hawak ng kanyang Mommy Lydia na sumakabilang buhay last year.

Sinong mag-aakala na sisikat at yayaman si Jennylyn?

Jennylyn Pineda pa siya noon at pasa-pasa ang mukha sa nasabing picture na nasa banner story.

Nang maging artista si Jennylyn ay kinuwento niya na pinaplantsa nga siya ng stepfather niya sa likod. Pinapaso rin daw siya ng sigarilyo at pag lumobo ‘yun ay saka pipisain. “Dumating na sa point na sa sobrang kakabugbog sa akin hindi na ako makabangon sa bed, ‘yong tipong black and blue na talaga, Tapos makikita nila iba na ‘yong itsura ko kasi maga, ‘yong nakalabas ng gano’n ‘yong mata ko tapos ang laki ng ulo ko, kasi siguro sa sobrang kakabugbog sa akin,” pag-aalala ni Jennylyn sa interview ng programang Powerhouse ng GMA 7.

Wala nang balita kung nasaan na ang stepfather niyang nambugbog sa kanya.

Salamat po sa lahat ng tumatangkilik ng Pilipino Star NGAYON. Sa mga nagbabasa araw-araw at sa mga eskuwelahang kumikilala sa amin.

Oo nga at digital age na, iba ang market ng hard copy ng tabloid. Hindi ang mga adik sa internet ang nagbabasa.

#Happy33rdPSN

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with