^

PSN Showbiz

Maricar hiwalay na rin sa ama ng panganay!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Maricar hiwalay na rin sa ama ng panganay!

During the presscon ng Dragon Lady, natanong ang isa sa cast ng serye na si Maricar de Mesa kung kumusta na siya at doon lumabas sa kanyang bibig na single umano siya ngayon dahil wala na sila ng ama ng kanyang more than one-year-old daughter na si Alianna Sky na isang American. Hindi umano nag-work sa kanilang dalawa ang long-distance relationship dahil sa America naka-base ang kanyang ex-boyfriend at narito naman sila ng kanyang anak sa Pilipinas.

At first umano ay nag-work ito pero dahil madalas magpunta rito sa Pilipinas ang kanyang ex-boyfriend at ganundin naman si Maricar at ang kanilang anak na pabalik-balik din ng Pilipinas at Amerika. Dahil hindi showbiz ang guy, never na nabanggit ni Maricar ang pangalan nito at hindi rin niya ito naipakilala sa kanyang mga showbiz friend at ma­ging sa media.

Nung 2017 ay na-annul ang kasal ni Maricar sa kanyang ex-husband, ang dating PBA (Philippine Basketball Association) player na si Don Allado.

Hindi nagkaanak ang dating mag-asawa.

James, Billy at Sam susunod sa Playlist...!

Although katatapos lamang kagabi ng Playlist: The Best of OPM concert sa Araneta Coliseum na tinampukan nina Joey Generoso, Jinky Vidal, Jay Durias, Juris Fernandez, Medz Marfil, Ice Se­guerra at Janine Teño­so produced by Viva Live, isa na namang major concert ang dapat abangan ng mga con­certgoer, ang The Cr3w: Live In Concert na gaganapin din sa Big Dome (Ara­neta Coliseum) at tatampukan ng tatlo sa popular singers, actors and dancers ng bansa, sina Billy Crawford, Sam Concepcion at James Reid.

Sina Billy, Sam at James ay pare-pareho nang nasa bakuran ng Viva Artists Agency kaya naging madali ang kanilang pagsasama sa isang major concert.

Janine at Tom dati nang friends

First team-up nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez sa telebisyon ang teleser­yeng Dragon Lady na magsisimula nang mapanood ngayong Lunes ng hapon, March 4 kapalit ng Asawa Ko, Karibal Ko nina Kris Bernal, Thea Tolentino at Rayver Cruz.

Parehong excited sina Janine at Tom sa kanilang unang tambalan na may kakaibang tema dahil may halo itong fantasy.

Since Filipino-Chinese ang role na gina­gam­panan ni Tom bilang si Michael Chan, nag-aral ang Fil-American actor ng Mandarin at Chinese culture para ma-justify niya ang papel na ipinagkatiwala sa kanya.

Malabo namang ma-link si Tom sa kanyang bagong kapareha dahil bukod sa may Carla Abellana na siya, si Janine naman ay may Rayver Cruz.

Ang maganda, naging magkaibigan ang dalawa at pareho na silang kumportable ngayon sa isa’t isa bilang magkatrabaho.

Tampok din sa nasabing afternoon TV series sina Joyce Ching, Edgar Allan Guzman, Diana Zubiri, Maricar de Mesa, James Blanco, Odette Khan, Dexter Doria, Lovely Abella, Julie Lee at DJ Durano na siyang gaganap sa papel na Charles Chua, anak ng isang mayamang Chinese family at biological father ni Celestina (Janine). Ito’y mula sa pamamahala ni Paul Sta. Ana, the same director ng hit primetime TV series na The Stepdaughters nina Megan Young at Katrina Halili with Mikael Daez.

Si Janine ay kamakailan lamang napanood sa pelikulang Elisse na pinagtambalan nila ni Enchong Dee na dinirek ni Joel Ferrer under Regal Entertainment.

vuukle comment

MARICAR DE MESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with