^

PSN Showbiz

AiAi nag-iipon na ng ‘eggs’ para magka-baby

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
AiAi nag-iipon na ng �eggs� para magka-baby
Gerald at AiAi

MANILA, Philippines — Nag-iipon na rin ng ‘eggs’ si AiAi delas Alas para magkaanak na sila ng asawa niyang si Gerald.

Yup, next year, plano na niyang mabuntis. Siyempre sa tulong ng sensiya - in vitro fertilization.

January 2020 ang target nila ng mister na magka-baby na ngayon ay nag-aaral mag-piloto.

Marami raw siyang eggs. “May eggs akong sarili. Dami eggs ko, hello! Meron na, malapit na! Ayoko ma-pressure! Ha! Ha! Ha! Pumi-pressure akala mo 30 years old! Ha! Ha! Ha!” sabi niya kahapon sa presscon for Hitmakers and Ai, ang Valentine concert niya with Hitmakers Rey Valera, Marco Sison and Hajji Alejandro sa February 15 at Newport Perfor­ming Arts, Resorts World Manila.

Mainit nga kasi ngayong pinag-uusapan ang tungkol sa in vitro dahil nga sa paglantad ng mag-asawang Ice Seguerra and FDCP Chair Liza Dino na sumasailalim sa ganung proseso.

Kaya nang magpalipad ng eroplano ng mister niyang si Gerald pero since mahiyain daw ito, may kasama itong instructor nang mag-apir sa isang GMA show.

Pero si AiAi ay hindi pa nakakasakay na ang bagets mister niya ang piloto.

Anyway, tumanggi si AiAi na retokada o photoshopped ang ‘Jennifer Lopez’ pictorial niya na lumabas sa kanyang Instagram account.

Yung isa ay half naked gown ni JLo na kulay red at ang 2 piece bikini na color red din ang ginaya niya.

Ayon kay AiAi totoong katawan niya ‘yun. Wala dung inayos.“Hindi photoshop ‘yon! Ang sinasabi nilang photoshop ay I think ‘yung isang JLo na nakapula, ‘yung JLongganisa. “Akala nila photoshop kasi sa leeg, meron akong something so akala nila, hindi ako ‘yon. Ako ‘yon. Totoong…Si Edward de la Cuesta kumuha. Pero meron akong body stockings.”

“Hindi ko naman kaya ‘yung kay JLO. Si JLO nga walang bra doon! Gusto ko lang siyang kumpetensiyahin!”.

Anyway, first time niyang makasama ang Hitmakers sa  concert without Rico J.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with