Maja
Maja hindi ‘naharang’ sa pagiging judge ng dance contest
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

Hindi nagwagi at hindi nasunod ang gusto ng iilang tumutol at hindi pumabor sa pagiging isa sa mga tatlong kinuhang judge na si Maja Salvador sa pinakabagong dance contest ng ABS-CBN na World of Dance Philippines. 

Obviously tinututulan nila ang hindi pananalo ng magaling na aktres sa ano mang dance contest. Feel nila ay mas marami ang mas qualified sa kanya. Pero, pursigido ang network sa ka­ka­­yahan ng aktres. Sinamahan pa sila ng ilang mga cho­reographers ng istasyon na kumbinsihen ang aktres na tanggapin ang bagong trabaho na iniaalok sa kanya.

Mabilis namang nakumbinse si Maja dahil hindi niya kinailangang dumaan pa sa audition, talagang may k siya maging judge.

Sapat na ang pa­giging dance ro­yalty niya para ma­dala ang bago niyang trabaho sa isang mas mataas na lebel. So far, may karapatan at magagaling naman ang mga pinapanalo nila nina Gary Valen­ciano at Billy Crawford sa unang broadcast ng show. In fairness to the WOF magagaling ang nakukuha nilang contestants. At nakaka-proud ang mga Pinoy. Pati si Jennifer Lopez ay siguradong mamamangha at magugulat.

Zia kinagigiliwan sa TVC

Artista na ang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. May commercial na si Zia Dantes ng Nido na kasama ang kanyang ina. Ang Nido rin ang gumawa ng isang matagumpay na TVC tungkol sa isang hiwalay na magasawa na pinagbati ng kanilang anak sa gitna ng ulanan. Isang serye ito na kinalugdan ng manonood.

Siguradong kalulugdan din ang panganay nina Marian at Dingdong dahil ang ganda-ganda niya at napaka-lovable pa lalo na nung hinihingi niya ang permiso ng ina para makuha ang bola na itinapon niya para mahabol ng kanyang aso. Winner talaga!

Liza mapapalaban nang todo kay Pia

Baka mas mapaaga ang pagkakatuloy ng paggawa ng Darna ni Liza Soberano na nasa direksyon ni Erik Matti dahil nakakuha na ng gaganap bilang Valentina, ang babaeng kalaban ni Darna na may mga ahas sa ulo. Si Pia Wurtzbach na ang gaganap sa role na siguradong dapat pag­han­daan na mabuti ni Liza dahil malaking babae ang dating Miss Universe. Sa katawan pa lamang ng beauty queen ay dehado na ang aktres kaya dapat mas manalo siya at dapat realistic ang gawing paglalaban nila.

Promo ng pelikula ni Janine, apektado ng serye

I’m sure nakakaapekto sa promo ng Elise na pinagsasamahan nina Ja­nine Gutierrez at Enchong Dee ang pagsabay ng GMA ng pro­mo ng bagong serye nina Janine at Tom Rodriguez na Dragon Lady. Based from a true story yung kuwento ng movie ng Regal Films at hindi naman aksyon kundi isang drama ang Kapuso series. Pareho sanang panoorin ang dalawang projects ni Janine.

Regine nagsalita sa engagement nina Sarah at Matteo

Makakahinga na ng maluwag si Mommy Divine ni Sarah Geronimo sa sinabi ni Songbird Regine Velasquez-Alcasid na hindi pa ito engaged sa boyfriend niyang si Matteo Guidicelli. Naniniwala itong wala pa sa plano ng dalawa ang pagpapakasal pero, pumayag na siyang mag-ninang sa kasal nila. Naniniwala si Regine na bata pa si Sarah sa gulang na 31 at 29 naman si Matteo para mag-asawa na. Pinaghahandaan pa ng dalawa ang pagkakaro’n ng isang magandang kinabukasan.

Jolo naka-move on agad?!

Ang bilis namang naka-move on ni VG Jolo Revilla kung totoo na may natagpuan na itong kapalit ni Jodi Sta. Maria sa puso niya. Ito ay sa katauhan ng isang babae na nagngangalang Angelica Alito o Angel Tripp na napapansin ng marami ay madalas ay kasama sa lakaran ng mga Revilla/Bautista.

Andun ito sa birthday party ni Gab. Kasama rin ito nang pumunta ang pamilya sa Camarines Sur para dalawin ang puntod ni Sec. Jessy Robredo. Walang masabi tungkol sa kanya si Mayor Lani Mercado. Hintayin na lang daw ang panahon at lalabas din kung ano ang totoo.

Ken at Rita May Single Na

Music to the ears kung maituturing ang kuwento ng pagmamahalan ng mga karakter nina Ken Chan at Rita Daniela sa GMA Afternoon Prime series na My Special Tatay bilang sina Boyet at Aubrey. Bukod sa hindi ito pangkaraniwang relasyon, nakaka-engganyong panoorin ang serye dahil sa aral na ipinapakita nito. Kaya naman talagang nakakagood vibes ang kare-release lang na single nilang dalawa na Almusal na unang narinig sa Unang Hirit kamakailan. Kahit wala sa set ng My Special Tatay, talagang may chemistry ang dalawa, ha!

MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with