^

PSN Showbiz

Catriona hindi nawawala ang pangalan sa survey ng Miss U

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Catriona hindi nawawala  ang pangalan sa survey ng Miss U
Catriona

SEEN: Nagpumiglas ang pagi­ging fan ni PNP chief Director General Oscar Albayalde sa pahayag nito na idol niya si Coco Martin nang magkita sila kahapon sa PNP Headquarters Camp Crame para sa Memorandum of Understanding sa pagitan ng PNP at ABS-CBN, ang producer ng Ang Probinsyano, ang teleserye ni Coco na inireklamo noon ni Albayalde.

SEEN: Thailand bound ngayon si Catriona Gray para sa Miss Universe 2018 na magaganap sa Bangkok sa December 17. Hindi nawawala ang pangalan ni Catriona sa mga survey tungkol sa mga kandidata na pinapaboran na manalo ng Miss Universe 2018 crown. 

SCENE: Solo shopping si Ryza Cenon sa Powerplant Mall noong Linggo. Hindi kasama ni Ryza ang kanyang constant companion, ang boyfriend niya na si Cholo Barretto.

SEEN: Ang movie producer na si Neil Arce na matiyaga na hinihintay ang pagdating ng kanyang girlfriend na si Angel Locsin dahil may usapan sila na magkikita sa Uptown Mall, Taguig City.

SCENE: Dalawang pelikula ang magkasabay na ginagawa ng N2 Productions ni Neil Arce, ang Ulan na co-production venture nila ng Viva Films at ang Last Full Show, ang project na tinatampukan nina Arci Muñoz at JM de Guzman.

SEEN: Nahiya si Andrea Brillantes sa pagkukumpara sa kanya kay Liza Soberano dahil mas maganda raw ito sa kanya. Isa si Andrea sa mga bida sa Kahit Ayaw Mo Na, ang pelikula ng writer/director na si Bona Fajardo na mapapanood sa December 5.

vuukle comment

COCO MARTIN

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with