Pinoy movies pinataob ng Koreans?!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2018 - 12:00am

Parang hindi naman tama Mama Salve na isali sa subject sa school ang Korean language kahit pa nga sabihin mong addict ako sa koreanovela.

Iyon matutuhan mo ang basic dahil sa kapapanood mo, at dahil na rin santambak ang Koreano sa Pilipinas, tama na. Pero iyon isali mo pa sa curriculum sa school, over na.

Medyo nagtampo nga ako dun sa itinambak na basura na galing sa Korea dito sa atin, para bang kawawa tayo na tambakan ng basura ng Korea at Canada. Hindi ba iyon pride natin as Filipino nasaktan sa action na iyon. Sana naman ma-discover kung sino ang mga corrupt na tao ng gobyerno na pumayag mangyari ito, pati basura, may corruption na rin? Pangako ko na hindi muna ako watch ng koreanovela at eat ng kimchi dahil sa nangyari, pero mas nawindang ako nang mabasa ko na gagawing elective subject ang Korean language sa school, huh. Over na iyon. Kahit pa gusto ko siguro matutuhan ang language para pag nag-usap kami ni Jo In-sung at Nam Jo-hyuk hindi ko naman gugustuhin kasama siya sa subject ko sa eskuwela noh.

Saka ayusin na nila ang issue ng basura para watch na uli ako. Talagang there is no stopping the korean fever, galing talaga ng marketing nila sa bayan nila para magka-interest ang tao.

Sana tayo na mas mahilig sa movies at mas mahuhusay ang writers at directors ang mas nauna maka-isip ng marketing strategy thru films and tv. Mas maganda at pogi pa nga mga artista natin, dapat noon pa natin ito nabigyan ng atensiyon, sana tayo nasa frontline ngayon.

Sayang talaga na hindi natin nakita ang strategy na iyon.

VM Joy tinuturing na gender fair city ang QC

Si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang special guest sa opening ceremony ng Quezon City International Pink Film Festival sa Gateway Cineplex noong Miyerkules, November 14.

Sa kanyang welcome speech, sinabi ni Mama Joy ang kanyang kasiyahan dahil kinikilala na ang Quezon City bilang Gender Fair City.

“I’m really really happy that we’re able to do this every year since we started to be called the Gender Fair City in the whole of the Philippines and this happened two years ago with the passage of the Gender Fair Ordinance which allowed us to  fight for our advocacy that is to promote awareness about LGBT issues, to promote diversity and equality, to combat discrimination, stereotyping and stigmatization and to promote our city as City of Tolerance.

“Since we passed this ordinance, 25 other cities have passed Gender Fair ordinances as well but I found out that Quezon City is still the only one that actually is implementing our ordinance.

“This film festival is in fact one of the provisions of our ordinance, that every year we do have to have a film festival such as this to remind our brothers and sisters in the LGBTQI community that you are just the same as every one else na pantay-pantay ang lahat ng tao dito sa lungsod Quezon.

“Na lahat ng serbisyo ay dapat pantay-pantay rin natin na makakamtan.

“Kasama rin sa ordinansa na ‘yan ang pagkakaroon natin ng Queen of Quezon City kaya binabati ko ang mga queen natin na bagong korona lang,” ang pahayag ng future mayor ng Que­-zon City.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with