^

PSN Showbiz

Sikat na babaeng personalidad walang pinapakinggan, likas ang katigasan ng ulo

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

User. KSP. Ipinaglihi sa manggang hinog na hinog sa kalburo. Manggagamit. Lahat na yata ng pintas ay naibato na sa isang magandang female personality na kaibigan ng isang pamosong babaeng personalidad.

?Binibimbang siya nga­yon sa social media ng mga tagahanga ng kaibigan niyang kilalang female personality, bad influence daw siya sa idolo ng mga ito, mula raw nang maging close sila ay kung anu-ano na ang mga hindi kagandahang kuwentong lumalabas sa kilalang babae.

?Kuwento ng aming source, “Nakakaawa naman si ____(pangalan ng magandang female personality), kung upakan siya ng mga fans ng friend niya, e, parang wala nang bukas!

?“Siya raw ang masamang impluwensiya sa girl, mula raw nu’ng maging sanggang-dikit na sila, e, natuto nang makipag-date sa kung sinu-sinong lalaki ang idolo nila! Natuto na rin daw magnomo-nomo ang ipinaglalaban nilang idol!

?“Sa kanya ibinabagsak ng mga taong ‘yun ang sisi, malakas daw talaga ang panghalina ng pagi­ging bad influence niya, kaya dapat na raw siyang layuan ng kaibigan niya!” napapailing na kuwento ng aming source.

?Natatawa na lang ang kampo ng magandang female personality. Ano nga naman ang kapangyarihan niya para baguhin ang pagkatao ng kaibigan niyang may sariling mundo?

?“Nakakaloka ang mga bumibira sa kanya, anong bad influence ang pinagsasasabi nila, hindi ba nila alam na matigas pa sa bato ang ulo ng idolo nila? May pinakikinggan bang payo ang babaeng ‘yun?

?“Hindi ba’t kung ano ang gusto niyang gawin, e, sige lang siya nang sige? Kahit nga ang mga nag-aalaga sa career niya, e, hindi niya sinusunod, ang female personality pa kaya niyang kaibigan ang magkakaroon ng powers sa kanya?

?“Bakit siya ang sinisisi ng mga fans ng sikat na girl? Bakit hindi nila kausapin nang personal ang idol nila para mahimasmasan? Alam nila kung gaano katigas ang ulo ng babaeng ‘yun!

?“Palagi siyang kontra-tiyempo. Kung ano ang ipinagbabawal sa kanya, e, ‘yun ang ginagawa niya! Saka walang pakialam sa mundo ‘yung babaeng ‘yun! Kung ano ang gusto niyang gawin at sabihin, wala siyang keber!

?“Kaya tantanan na nila ang friend ng idolo nila, wala siyang ginagawang masama, lalong hindi siya bad influence! Maghali-halili man silang umupak sa magandang girl, e, wala na silang magagawa!

?“Walang nakakaimpluwensiya sa idol nila! Magsama-sama silang matitigas ang ulo at feelinggera!” inis na inis na pagtatapos ng ­aming impormante.

?Ubos!

Regine kinokonek sa banta ni Digong na ipasasara ang Dos

Paulit-ulit ang pagdedeklara ni Pangu­long Rodrigo Duterte na hin­ding-hindi niya pipirmahan ang renewal ng lisensiya ng ABS-CBN na magtatapos na sa taong 2020.

?Mukhang pera daw ang network, tinanggap daw ng ABS-CBN ang mala­king halagang nakalaan para sa kanyang political ads nu’ng 2016, pero hindi naman nakapagdeliber ang istasyon.

?Malapit na ang 2020. Ilang tulog at gising pa ay 2019 na. Napakabilis lumi­pad ng panahon, hindi nakaiinip, kaya kung hanggang sa 2020 ay matindi pa rin ang galit ng pangulo sa network ay paano na ang kanilang prangkisa?

?Kung ganu’n nga ang mangyayari ay saan-saan magpupulasan ang mga sikat pa namang personalidad ng istasyon? Kung ipasasarado ang network dahil sa kawalan ng lisensiya ay sangdamakmak na namamayagpag na artista ng Dos ang mawawalan ng trabaho.

?Nakasilip na naman ng maipambibira kay Regine Velasquez ang kanyang mga bashers. Siya raw ang may hatid ng kamalasan sa nilipatan niyang network. Kalilipat lang daw niya ay nagkaindulto na agad ang ABS-CBN.

?Konting rebyu lang po ng nakaraan. Hindi pa man lumulutang ang balita ng paglipat ng Asia’s Songbird sa ABS-CBN ay naglilitanya na ng galit ang pangulo kontra sa istasyon.

?Paulit-ulit ‘yun. Sa kanyang mga pagtatalumpati ay palaging binibira ni PRRD ang ABS-CBN. Kailan lang ba naman lumundag si Regine sa Dos?

?Huwag naman sanang ipaako sa isang taong nananahimik at gusto lang magtrabaho ang problemang kinakaharap ng ABS-CBN.

?Kabayo muna bago ang karitela.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with