Jake
Pagkain ‘di mapigilan , Jake overweight na!
(Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2018 - 12:00am

GMA pumiyok na sa pag-alis ni Regine

SEEN: Ang pag-iyak kahapon ni Regine Velasquez sa last episode niya bilang host ng Sarap Diva. Si Carmina Villarroel ang bagong host ng Sarap Di Ba? simula sa October 20. Special guest naman si Regine sa ASAP Live sa Sydney, Australia sa October 20.

SCENE: Ang walang paliguy-ligoy na official statement ng GMA Network Inc. tungkol sa paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN:

“After two decades, Regine Velasquez-Alcasid has officially said her goodbyes to the Kapuso Network.

“We understand her decision to join her husband and we wish her well as she pursues other opportunities outside GMA Network.”

SEEN: Ipagdiriwang ngayon ni Joshua Garcia sa ASAP ang debut niya. Noong October 7 ang 21st birthday ni Joshua.

SCENE: Magpapahinga muna si Julie Anne San Jose sa Pepito Manaloto dahil sa Studio 7. May conflict ang araw ng taping ng Pepito Manaloto sa taping ng Sunday musical variety show ng Kapuso Network na ngayong gabi ang pilot telecast.

SEEN: Kakandidato na konsehal ng Maynila si Jerika Ejercito. Hindi nagpapaapekto si Jerika sa paratang na wala itong karapatan na magsilbi sa Maynila dahil residente siya ng San Juan City.

SCENE: Ang akusas­yon kay Jerika Ejercito na naninirahan siya sa condominium building sa San Juan City na diumano’y pag-aari ng kanyang ina, ang former actress na si Laarni Enriquez. Katapat ng isang exclusive school for boys ang alleged multi-million peso property ni Enriquez.

SEEN: Panahon na para magpahinga sina Manila City Mayor Joseph Estrada at former Manila City Mayor Alfredo Lim sa pulitika ang pahayag ni Isko Moreno na kakandidato na alkalde ng lungsod sa May 2019 elections. Makakalaban ni Moreno si Estrada,81-years old at  si Lim, 88-years old.

SCENE: Overweight si Jake Vargas at ito ang kanyang problema dahil hindi niya makontrol ang pagkain. Malakas makagutom ang pagpupuyat ni Jake sa taping ng Ika-5 Utos.

JAKE VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with