^

PSN Showbiz

Sharon pinayuhan si KC na ‘wag nang pakawalan ang French man

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sharon pinayuhan   si KC na �wag nang  pakawalan ang French man
Sharon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagpapakilig nina KC Concepcion at Pierre Emmanuel Plassart dahil pagkatapos ng post ni KC ng birthday message niya kay PEP, nag-post din ito ng photo nila ni KC at may caption na “Mon Coeur” na ang ibig sabihin daw ay “My Heart.”

Marami na ang nagdadasal na ang kasunod na update ng lovebirds ay marriage proposal na ni PEP at request ng fans, ‘wag na sanang patagalin pa nina KC at PEP ang kanilang kasal. Advance ang fans ng dalawa, kasal na ang hinihintay.

Samantala, may post si Sharon patungkol kina KC: “Maria Kristina Cassandra, THIS ONE. This boy I have loved (and missed) for years. This boy Mita loved. This one. My full approval, with all my heart and soul. This one. I pray for your love and forever. I am so happy for you, my beloved princess. A second chance with your prince. Do not waste it or you will NEVER forgive yourself. Or forget. I love you with all my heart! And Happy Birthday my dear, dear Pierre! God bless you two.”

Sa basher na nag-comment na OA si Sharon, ayun kinuyog siya ng followers ni Sharon at nina KC at Pep. Pero hindi na siya pinag-aksayahan ng sagot ni Sharon, lalo na ni KC. Keber sa bashers!

Unang project ng mga sanggre umuusad na

Mukhang malapit nang simulan ng Sanggre Productions nina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Karylle at Iza Calzado ang una nilang pelikula dahil sa update ni director Mark Reyes na kasama rin sa Sanggre Productions, nag-creative/board meeting na sila. Ang hashtag ni direk Mark ay ‘#project1’.

Speaking of Karylle, may nai-post itong eksena sa TV show na Floribama Shore na kung saan, isa sa kanta niya ay ginamit sa American TV show.

“It’s been a dream of mine to have a song in an American TV show ever since I heard Viktoria’s song on Felicity! That dream came true today!!! Watch the clip & wait for it...this is from “Floribama Shore” part of the mega-hit franchise-Jersey Shore.”

Hindi nabanggit ni Karylle ang title ng song niya na ginamit sa TV show, pero may nabasa kaming OMG na sarili niyang composition.

Sanya ginawang chaperone nina Barbie at Jak sa HK

Nasa Hongkong ngayon sina Barbie Forteza at Jak Roberto, pero bago kayo mag-isip ng hindi maganda, kasama ng dalawa si Sanya Lopez. Kung may kasama man si Barbie sa hotel room niya, si Sanya ‘yun, ang sister ni Jak at future sister-in-law niya.

Dahil sumama sa trip ng magsyota, ibig sabihin, okay lang kay Sanya na maging third wheel siya sa love birds. Lalo na kung treat ni Jak ang HK trip at kailangan lang maging chaperone siya ni Barbie.

Obvious na in-love si Barbie kay Jak dahil sa post na “I’m the happiest whenever I’m with you,” habang magkayakap sila ni Jak.

May nagre-request pala na kung pwedeng i-guest si Jak sa Inday Will Always Love You ‘pag nagtapos na ang Contessa na isa si Jak sa cast.

Isabelle naunahan na ni Rita

Hindi natuloy si Isabelle de Leon sa role ni Audrey Palomares sa Afternoon Prime ng GMA-7 na My Special Tatay dahil nasa Amerika ang aktres at may importanteng inaasikaso. Si Isabelle sana ang gaganap na ina ng baby na ipaaako kay Boyet (Ken Chan). Sabi ni director LA Madridejos, gusto sanang bumalik ng bansa si Isabelle, mag-taping ng mga eksena niya, saka babalik sa Amerika.

Pero sinabihan si Isabelle na tapusin na lang ang inaasikaso niya na makakatulong sa buhay niya at ‘wag nang magmadaling umuwi. Siguro naman na pagbalik nito ng bansa, may project sa kanya ang network.

Si Rita Daniela ang pumalit kay Isabelle na in fairness, buma­gay sa kanya ang role. Ang comment lang, bakit naman daw kontodo make-up si Rita sa eksenang manganganak siya na para bang dadalo ng party.

Baka naman masagot ang mga tanong ng viewers ‘pag pinanood nila ang My Special Tatay na magsisimula na ang airing sa September 3, after ng The Stepdaughters.

Samantala, cover si Rita ng digital copy ng FHM at may hugot siya. “When people asks me what are the preparations I did for my FHM shoot, I say that of all the girls who would do it, ako lang ata ang di pinressure na pumunta parati sa gym. But yeah! It’s really more of like this,” at may video si Rita na nagsasayaw sa may beach.    

vuukle comment

KC CONCEPCION

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with