^

PSN Showbiz

Nanghihingi ng tulong kay Coco , Mystica nabubuhay na lang sa pagtitinda ng fried chicken

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Nanghihingi ng tulong kay Coco , Mystica nabubuhay na lang  sa pagtitinda ng fried chicken
Mystica

Kawawa pala ang naging kapalaran ng sexy performer na si Mystica na sumikat nung 90s.

Ang pagtitinda na lang pala ng fried chicken ang ikinabubuhay niya samantalang nung kainitan ng singing career niya, wow ang dami niyang inaaway.

Sa report ng kaibigang si Jeff Fernando sa abs-cbn.com, makikitang nag­luluto ng friend chicken ang dating singer.

At ang apela niya, tulungan naman siya ni Coco Martin tulad sa mga ibang binuhay niya ang career.

 “Matagal ko na po gustong lumapit dahil alam ko pong matulungin si Coco Martin e, kaso nahihiya po ako.

“Pagkatapos ko po kasing kutyain ng mga tao after the Duterte viral video, ayaw ko na po na umaga, tanghali, gabi na puro negative comments na naman, which is ganun na po ang nangyayari ngayon, magmula nang mag-post ako ng tulong sa Facebook,” pahayag ni Mystica kay Jeff.

Maalalang nag-viral noon ang isang video kung saan nanawagan siyang ‘wag iboto si President Duterte na nag-boomerang sa kanya.

“Sana naman po ay bigyan ako ng pagkakataon, kasi ‘yun na lang po ang natatanging kayamanan ko, ‘yung talent ko,” sabi niya pa sa interview na mangiyak-ngiyak.

Siyempre marami na ang hindi nakakakilala kay Mystica. Actually kahit ako hindi ko na maalala ang mga kantang pinasikat niya. Hihihi.

Ang naalala ko lang, ang husay niya sa pagi-split habang sumasayaw-sayaw. Nang-i-Google ko, Simple Lang ang title ng nasabing song na parang ‘yun lang yata ang sumikat.

Sana nga ay matulungan siya ni Coco bilang napakabait naman ng aktor at marami na rin talaga ang binuhay ang career sa kanyang Ang Probinsiyano na humahataw sa ere. Or kung hindi naman siya mapapansin agad ni Coco, si Alden Richards ang hingan niya ng tulong na mapasama sa Victor Magtanggol. Baka dun agad-agad magkaroon siya  ng work.

Goodluck kay Mystica, sana nga ay pagbigyan siya either ni Coco or Alden.

vuukle comment

COCO MARTIN

MYSTICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with