^

PSN Showbiz

Ogie tawang-tawa sa karanasan sa Bora

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ogie tawang-tawa sa karanasan sa Bora
Ogie

MANILA, Philippines — Kahit kararating mula sa New York, nag-freshen up lang si Ogie Alcasid sa bahay nila saka dumiretso sa press interview para sa kanyang OA concert, 30th anniversary celebration sa Araneta Coliseum on August 24.

Walang jetlag-jetlag sa kanya. At pagkatapos nun ay sumabak pa siya sa rehearsal.

Walang kapaguran si Ogie as in kahit na nga 30 years na siya sa industriya.

Parang mas naging in demand pa nga siya ngayon lalo na nga at pakiramdam niya ay naka-adjust na siya sa millennial audience.

Regular siya sa You’re Sounds Familiar Kids, ASAP and Home Sweetie Home. May ginawa rin siyang movie sa katatapos na Cinemalaya

Kaya naman wala sa vocabulary niya ang mag-retire. Ani Ogie wala ‘yun, hangga’t gusto siya ng audience, tuloy ang career niya hangga’t humihinga. “Hindi ako titigil,” sabi niya sa tsikahan kahapon na ginanap sa Japanese resto kung saan isa siya sa mga investor, ang Hungry Samurai.

Idol niya pagdating sa pagiging adik sa trabaho si Eddie Garcia and Max Surban.  “Si Max Surban (veteran singer), nakasama ko nun’g ASAP, parang ang tingin ko, 77 na siya, sabi ko, ‘Tito Max, kumusta health nyo?’ ‘Eh okay pa naman, galing nga akong Australia, nag-gig ako, eh.’ Sabi ko, alam mo ganyan talaga tayo. Tingnan mo si tito Eddie (Garcia), 89,” kuwento niya pa.

Pero gusto naman daw niyang magkaroon ng time na makapagbakas­yon na silang mag-anak lang tulad sa ginawa nila sa Boracay bago ito nagsara. Kasama nga silang mag-anak sa mga huling baka­syunista na nag-stay sa Bora. Kaya nga raw wala nang tao nung last days ng baka­syon nila. Kanilang-kanila ang isla.

Last year pa raw kasi nila na-book ‘yun kaya wala silang idea na ‘yun ‘yung time na isasara ito for rehabilitation. “Sabi ko, ‘makakalabas ba tayo dito?’ So kami lang ‘yung nandu’n. Sobrang saya namin. Sobra,” pag-alala ni Ogie kung saan nagpalit-lipat pa sila ng room nina Regine at Nate dahil sila na nga lang ang tao. Kung maaalala rin ang bongga ng mga ‘sexy pictorial’ dun ni Regine.

Saka nagre-request daw ang misis niyang si Regine na sana nga ay may regular break sila, chill-chill na sila lang kaya baka pag ganung time, maghihinay-hinay muna siya.

Anyway, makakasama ni Ogie sa kanyang OA concert ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra with Rey Valera, Michael V, Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira dela Torre, Leila Alcasid, Sarah Alcasid, Nate Alcasid, Ban Sot Mee, and Hotlegs.

Ididirek ang naturang concert ni Paolo Valenciano, sa ilalim naman ng musical direction ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra maestro na si Gerard Salonga.

Una ngang pinasok ni Ogie ang industriya ng musika noong 1988 at naging opisyal na hitmaker sa kasunod na taon nang matanggap niya ang gold status para sa kanyang debut album at naging malaking hit ang Nandito Ako,  ang kauna-unahang single ng OPM icon na pinaka-favorite niya sa lahat ng sinulat niyang kanta.

Mabibili na ang tickets sa ticketnet.com.ph sa halagang P5,075 (VVIP kasama ang Nakakalokal album), P3,710 (VIP), P3,180 (patron A), P2,650 (patron B), P1,590 (lower box), P745 (upper Box), at P425 (general admission). Maaari ding tumawag sa 911-5555 para sa ticket inquiries.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with