Effects ni Alden pampelikula

Alden

Kung pagiging pulido lang din naman ng effects ang pag-uusapan, in all fairness hindi na pwedeng itanggi na angat ang Victor Magtanggol sa mga seryeng napapanood sa primetime ngayon. Nakikita kasi na bukod sa mabusising anggulo ng mga eksena, talagang nakakabilib ang CGI ng serye ng Kapuso Network.

Hindi nga naman binigo ni Direk Dominic Zapata ang mga manonood dahil tinupad niya ang pangakong papantay ito sa standards ng viewers ngayon.

Hindi basta-basta ang naging pagpapalit ng costume ni Alden mula pagiging Victor Magtanggol sa pagiging Hammerman. Naka-focus ang camera sa paglabas ng armor ni Hammerman, pati mga hibla ng tela na kumakapit sa katawan ni Victor, pinakita ng serye.

Sa pagpapalit anyo ng bida, siguradong iba’t ibang effects pa ang ipa­mamalas ng show.  So folks abang-abang.                                              

Show comments