^

PSN Showbiz

Winwyn nadiskubre ang tunay na ugali ni Vhong

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Winwyn nadiskubre ang tunay na ugali ni Vhong
Winwyn

Hindi pa rin halos makapaniwala si Winwyn Marquez na naging leading lady na siya sa isang pelikula. Ang beauty queen ang katambal ni Vhong Navarro sa Unli Life na mapapanood na sa mga sinehan simula August 15 hanggang 21.

Ang Unli Life ay isa sa mga kalahok para sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018. “Sobrang surreal pakinggan na leading lady ako ni Vhong. Hindi pa rin ako makapaniwala, so siguro when I see myself onscreen do’n pa lang magsi-sink in lahat,” nakangiting bungad ni Winwyn.

Para sa actress-beauty queen ay isang malaking karangalan na makapareha ang isang mabait at magaling na aktor katulad ni Vhong. “Sobrang maalaga niya. Everyone on the set as in pantay-pantay ‘yung tingin niya, kahit mga extra, kahit production, he treats everyone the same. To see an artist as big as him act like that, I think napaka-humble no’n and I salute him for doing that. Sobrang galing, na-amaze ako actually,” pagbabahagi ni Winwyn.

Masayang-masaya ang dalaga dahil ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama ang amang si Joey Marquez sa pelikula. “I’m very excited, we’re going to do promos already. It’s just really going to be super exciting kasi it’s horror-comedy. The funny thing is, me and my dad don’t have a scene together. My dad kasi, siya ‘yung gagawa ng story. So it’s very interesting, I hoped na sana magkaroon kami ng scene pero wala eh, pero there’s a reason behind it,” kwento ni Winwyn.

Aiko gusto nang makatuluyan ang dyowa

Masaya ngayon ang buhay pag-ibig ni Aiko Melendez. Karelasyon ng aktres ang Mayor ng Subic na si Jay Khonghun.

Ayon kay Aiko ay gusto niyang si Jay na ang huli niyang kasintahan at makakatuluyan balang araw. “We’re going to face everything, the challenges, we’re going to face it together to make this work. I’m praying that he is really my last,” giit ni Aiko.

Noong una ay hindi raw kaagad nagustuhan ng aktres si Mayor Jay pero agad naman itong napamahal sa kanya. Malapit na rin daw sa kasin­tahan ang dalawang anak ni Aiko na sina Andre at Marthena ngayon. “He messaged me on IG which is weird. He doesn’t just love me, he loves the people around me,” kwento ni Aiko.

May bulung-bulungan na may ibang karelasyon diumano ang Mayor kaya mayroong ilang mga nag-akusa kay Aiko na mang-aagaw. “Wala po akong inagaw. Just be happy for us,” makahulugang pagtatapos ng aktres.

vuukle comment

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with