^

PSN Showbiz

KC kasali na sa Maria ni Cristine

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
KC kasali na sa Maria ni Cristine
Cristine

Kasali pala si KC Montero sa cast ng Maria, ang action movie na pagbibidahan ni Cristine Reyes.

Noong Huwebes ang story conference ng Maria sa opisina ng Viva Films pero no-show si KC dahil nagpunta ito sa Kuala Lumpur para sa coverage ng laban nina Senator Manny Pacquiao at Lucas Matthysse.

Kahit hindi nakasipot si KC sa storycon, sure na ang participation niya sa Maria at very challenging ang role na ibinigay sa kanya.

Anne ipapauso ang action movies sa babae 

Malakas ang feeling ko na mauuso sa Pilipinas ang mga action movie na babae ang bida na inumpisahan ni Anne Curtis, ang lead actress ng BuyBust.

Inaabangan ang showing ng BuyBust sa mga sinehan sa August 1 at kapag pinilahan ito sa takilya, mag-expect tayo na masusundan pa ang action movies na girl ang bida gaya ng Maria na tinatampukan ni Cristine Reyes.

Magsisimula sa last week ng July ang shooting ng Maria dahil may balak ang direktor na si Pedring Lopez at ang Viva Films na dalhin sa mga international film market ang pelikula.

Siyempre, excited si Cristine sa posibilidad na dumalo siya sa mga film festival sa Amerika at Europe kapag natuloy ang balak na ipalabas muna sa mga international film festival ang Maria bago ito mapanood sa mga sinehan sa Pilipinas.

Alfred may regalo 

May big event na magaganap ngayong hapon, 3:00pm sa SM Novaliches, ang 6th Founding Anniversary ng District 5 ng Quezon City at punong-abala si House Representative Alfred Vargas.

Host ng programa ang comedian na si Pekto at invited celebrity guest si Diana Zubiri, Bea Binene at ang co-stars ni Alfred sa Kambal, Karibal, sina Kyline Alcantara, Jeric Gonzales, Cheska Salcedo, Pauline Mendoza at Bianca Umali.

Personal gift ni Alfred sa constituents niya sa District V ang free show sa SM Novaliches kaya invited ang lahat.

Peach namana ang pagmamahal ng mga magulang

Humarap kahapon si Ysabelle Peach Caparas sa entertainment press dahil siya ang direktor ng Jacqueline Comes Home (The Chiong Story), ang pelikula na tungkol sa pag-kidnap at pang-aabuso sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline na nangyari noong July 16, 1997.

Hindi maitatanggi na minana ni Ysabelle ang pagmamahal sa movie industry mula sa kanyang ama, ang direktor at Komiks King na si Carlo Caparas at sa nanay niya, ang well-loved movie producer na si Donna Villa na sumakabilang-buhay noong January 2017.

Kung nabubuhay si Donna, tiyak na proud na proud siya sa bagong achievement ni Ysabelle bilang movie director.

Tulad nang sinabi ko noon, lumaki sa showbiz si Ysabelle kaya mahal siya ng entertainment press na nasubaybayan ang paglaki niya.

Hindi ako masosorpresa kung si Ysabelle ang magpatuloy sa negos­yo ng pamilya niya, ang pagpo-produce ng mga pelikula, lalo na ngayon na nasubukan na ng bagets ang maging direktor.

Wish ko lang, hindi magkaroon ng kontrobersya ang Jacqueline Comes Home. Malay natin, baka magprotesta ang mga kamag-anak ng mga akusado na nagdurusa ngayon sa bilangguan.

Kahit nakakulong na ang mga suspect sa pagpaslang sa Chiong sisters, naghahanap pa rin ng hustisya ang kanilang mga magulang dahil hindi pa rin natatagpuan ang katawan ni Jacqueline.

Sa July 18 ang playdate sa mga sinehan ng pelikula na tinatampukan nina Donnalyn Bartolome at Meg Imperial.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with