^

PSN Showbiz

Mayor Sara sasama na sa lahat ng lakad ni President Digong

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mayor Sara sasama na sa lahat   ng lakad ni President Digong
Mayor Sara

HUNk actor huling naninilip sa kapwa actor!

PIK: Si Vice Governor Jolo Revilla na mismo ang sumagot sa honora­rium na ibinigay sa guesting ni Lovi Poe sa pelikula niyang 72 hours, na isa sa mga episode sa trilogy movie nilang Tres.

Nakakahiya naman daw kay Lovi kung magpapalibre pa siya dahil nung sini­mulan pa lang ang project nito, nangako na si Lovi na maggi-guest siya.

Nung nakaraang Sabado, June 9 sila nag-shoot na kahit binabayo sila ng bagyong Domeng, itinuloy pa rin nila ito dahil iyun lang ang available na schedule ni Lovi.

Thankful naman si Jolo, dahil lahat na kinausap niyang sumali sa movie niya ay pinagbigyan siya.

Bukod kay Rhian Ramos, kasama rin si Albert Martinez na gusto rin ni Jolo na makasama sa pelikula.

Pinakiusapan din niya ang Mama niya, si Mayor Lani Mercado na mag-guest.

Pati nga si Jodi Sta. Maria ay okay ding mag-guest pero wala pang binibigay ng schedule ang Star Magic.

Sana bago sila mag-last shooting day ay pumuwede na raw si Jodi.

PAK: Pinag-uusapan na pala itong young hunk actor ng mga kaibigan niya na tila totoo ang tsismis na may pagkabading ito.

Minsan kasi sa taping ng isang weekly musical show, kasama rin doon itong si young hunk actor. Bahagi rin sa programang iyun ang ilan pang young actors na kaibigan niya.

Nakasabay ni young hunk actor na mag-CR ang kaibigan niyang yummilicious ding young actor na nagbida sa isang drama series na katatapos lang. Magkatabi silang umiihi at tsikahan sila nang tsikahan.

Nagulat si yummilicious young actor dahil napansin niyang habang umiihi sila, nakatingin si young hunk actor sa hawak-hawak niyang ‘junjun’.

Nakaramdam ng pagkaasiwa si yummilicious young actor sa pagkatitig ng kaibigang young hunk actor.

Hindi raw niya alam kung nagpi-playtime lang itong si young hunk actor, pero hindi niya napigilang mairita sa paninilip na ginawa sa kanya.

Paglabas ni yummilicious young actor ng CR, sinabi raw niya sa isang staff na kung hindi lang daw niya ito kaibigan, masasapak daw niya ito.

Naikuwento raw niya ito sa ilang kaibigan na ikinagulat niya dahil ganun din pala ang ginawa sa isang young actor na kaibigan din nila.

Kaya parang gusto na raw nilang maniwalang may pagkabading talaga itong si young hunk actor na yummy pa naman sa ilan niyang sexy pictorials.

BOOM: Sabi ni Mayor Sara Duterte, sa susunod daw na biyahe ng ama niyang si Pres. Rodrigo Duterte ay sasama na siya, kahit siya raw ang gumastos para mabantayan lang daw niya ang ama niya nang wala na itong hahalikang OFW.

Sabi ni Inday Sara kahapon sa kanyang speech sa ground-breaking ceremony ng Provincial Capitol Complex ng Davao Occidental; “Can you please, please lang send me an invitation everytime nga naa moy ing-ana nga mga events so as to make sure nga dili mag-away sina Kris Aquino ug is Mocha Uson tungod kay PR (Pres. Rodrigo Duterte).”

Sinasabi nga niyang okay lang na siya ang gumastos ng sariling biyahe basta matiyak lang daw na hindi na maulit yung halikang iyun para hindi na raw pag-awa­yan nina Kris at Mocha.

Pero parang nasa talakan at away mode ngayon ang mga tao eh.

Kahit nga ang dalawang beteranong ar­tistang sina Elizabeth Oropesa at Azenith Briones ay may nabubuo na ring away na inilalabas nila sa kanilang Facebook account.

Pinagpiyestahan na rin ng mga ne­ti­­zens ang ipinost ni La Oro sa kanyang FB account na nagbabantang ide­­demanda raw niya ang kaibigang si Azenith.

Sabi niya sa kanyang FB account na ipinost nung June 9, Sabado; “Mayroon pong ipinakalat na video si Azenith Briones. May malisya dahil pinalalabas niyang magnanakaw ako.

“Hindi po yan totoo dahil sarili ko pong alahas ang kinuha ko na ipinabebenta ko sa kanya. Walang iba.

“Sinabi ko sa kanya na hindi ko siya sisingilin. Wala akong hininging pera. May mga testigo ako, idedemanda ko siya.”

Bulgari raw ang alahas na iyun na worth P6M pesos na pinabebenta niya sana kay Azenith. Kinuha na raw niya ang alahas na iyun na hindi na niya ipinaalam dahil kanya naman daw iyun.

“Kinuha ko yung alahas ko nang walang paalam. Pero sinabi ko kaagad sa kanya na ‘hindi mo ako kailangang bayaran Azenith. Ang importante ang friendship natin.”

Nagulat lang daw siya na naglabas ng video si Azenith na sinasabing ninakaw daw sa kanya ang alahas na iyun.

Kaya humingi raw ng payo si Elizabeth sa kanyang abogado at puwede raw niya talagang idemanda dahil kanya naman daw yun at wala namang ibinigay na pera sa kanya.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with