^

PSN Showbiz

Aktor na may ka-loveteam, todo ang pakikipaglampungan sa aktres na guest sa kanilang serye!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang production staff ng isang tele­serye ang nahiya sa lampungan ng bidang aktor at kapareha nitong guest sa show. Nag-iisip tuloy ang mga nakakita kung may relasyon ang dala­wa dahil sobra silang komportable sa isa’t isa.

Sa sobrang komportable nga ng dalawa, kahit may extra chair sa tabi nila, sa lap pa ng aktor umuupo ang aktres. Kumandong siya sa aktor na siyempre tuwang-tuwa sa ipinapakitang care at love ng kapareha kahit off-camera at kahit may mga tao sa kanilang paligid.

Lagi raw ganun ang eksena ng dalawa, laging magkadikit, laging nagtatawanan, lagi silang masaya at parang hindi nauubusan ng pinag-uusapan. Si­guradong kahit matapos ang teleserye nila patuloy pa rin silang magkikita at magha-hangout.

May problema lang, may ka-love team ang aktor at selosa ang fans ng kanyang ka-love team. Tiyak na maba-bash ang aktres ‘pag nalaman ng fans na may bagong nagpapasaya at nagpapatawa sa kanya.

Kris todo tsika sa naudlot na sister-in-law

May mga kinilig sa convo nina Kris Aquino at Harlene Bautista sa Instagram (IG) ni Kris. Naikuwento kasi ni Kris na napakahusay ni Joshua Garcia sa first scene pa lang nila sa shooting ng Star Cinema movie na I Love You Hater.

Nag-comment si Harlene na love nila ng anak niyang babae si Joshua. Suma­got si Kris ng “@harlenebau super bait sya sister in law na naudlot...nakwento na nya his experien­ces. But God has been good kaya sya blessed now.”

Sumagot si Harlene ng, “@krisaquino eeee! Kilig!!! Miss you sister in law na naudlot.”

Nauna rito, pinadalhan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista si Kris ng bouquet ng peonies noong kasagsagan ng galit niya kay James Yap. Tsinika pa nitong nagtalakan muna sila ni Herbert at sinermonan siya nito dahil siguro sa mga pasabog niyang post.

Anyway, nabanggit ni Kris na baka palitan ang title ng movie nila nina Joshua at Julia Barretto. Mabuti na lang at hindi babaguhin ang role at karakter ng JoshLia dahil sa ginawang pagbuko si Kris sa name at character ng dalawa.

Mabuti rin at hindi pinangalanan ni Kris ang magiging love interest niya dahil bawal daw.

Alfred tuwang-tuwa sa misis na allergic sa showbiz

Magbabakasyon pala si Cong. Alfred Vargas at ang kanyang pamilya, pero walang dapat ikabahala ang fans niya na sumusubaybay sa Kambal, Karibal. May gagawin ang writers sa karakter niya sa hit primetime series para hindi siya ma-miss.

Sa thanksgiving lunch ni Alfred with the entertainment press, nabanggit nito na once a year, nagbabakasyon sila ng kanyang pamilya sa ibang bansa. Sabi nito, tinupad niya ang ipinangako sa misis niyang si Yasmine Vargas na every year magbakasyon sila sa Italy. Kung hindi summer ay Christmas time sila nagbabakasyon sa Italy.

“Ang swerte ko, nakatsamba ako ng isang artistahin, pero ayaw ng showbiz. ‘Yun talaga ang hanap ko sa isang babae, maganda in and out. Hindi niya hilig ang showbiz, nagulat ako dahil for a normal person, susunggaban ang offer sa showbiz, pero siya ayaw, kaya magkasundo kami,” sabi ni Alfred.

Gabbi rumampa sa London para sa make up brand

Ang gaganda ng photos ni Gabbi Garcia habang nasa London siya kasama ang ibang Maybelline It Girls from different parts of the world. Si Gabbi ang tanging representative ng bansa para sa Maybelline event na ‘yun sa London.

Samantala, nabasa namin ang pagpo-“poor u” ni Gabbi sa parody account ni Khalil Ramos na nali-link sa kanya. Galit ang may parody account kay Khalil at kasama sa galit niya at may kasamang mura ang mga nali-link naman kay Ruru Madrid, kasama si Valeen Montenegro na lumabas na kapareha ni Ruru sa Sherlock Jr.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with