^

PSN Showbiz

Totoong lakas ng ShaGab sa pelikula malalaman! ; Catriona mukhang transgender sa makapal na make-up!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Totoong lakas ng ShaGab  sa pelikula malalaman! ; Catriona mukhang transgender  sa makapal na make-up!

SEEN: Nilinaw ni Sharon Cuneta na walang kasama na movie o television executive sa lunch meeting nila ni Gabby Concepcion noong Huwebes. Dapat iwasan ang mga speculation dahil siguradong si Sharon ang unang magbabalita kapag matutuloy na ang reunion project nila ng kanyang ex-husband.

SCENE: Libreng napapanood ang television commercial nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta kaya masusubok lang ang tunay na lakas ng loveteam nila kung magiging blockbuster ang kanilang reunion movie dahil magbabayad ang mga manonood.

SEEN: Ang iwasan ang maglagay ng makapal na make-up para lumitaw ang kanyang natural beauty at hindi siya mapagkamalan na transgender woman ang payo kay Bb. Pilipinas 2018 candidate Catriona Gray ng mga supporter niya.

SCENE: Bukas ang 53rd birthday ng Diamond Star na si Maricel Soriano. Ang magkaroon ng regular te­levision show at gumawa uli ng mga pelikula ang mga birthday wish kay Maricel ng mga tagahanga niya.

SEEN: Plano ni Lovi Poe na gumawa ng indie movie ngayong 2018 dahil dito nagsimula ang acting career niya. Nanalo si Lovi ng mga acting award sa past indie movie projects niya.

SCENE: Nag-umpisa kahapon sa Sta. Fe, Bantayan island sa Cebu ang taping ng Inday Will Always Love You, ang upcoming primetime television series ng GMA News & Public Affairs. Kinabahan ang mga artista ng Inday Will Always Love You dahil sa malalaki at malalakas na alon na sinagupa nila habang papunta sila sa Bantayan island.

SEEN: Hot topic sa Hollywood ang rebelasyon ni Brendan Fraser na biktima siya ng sexual harassment at ito ang ugat ng pagtamlay ng acting career niya. Minsan nang bumisita sa Maynila si Fraser na sikat noon dahil sa kanyang mga blockbuster movie na George of the Jungle at The Mummy trilogy.

SCENE: Ginastusan ng GMA 7 ang  last week ng Haplos sa telebisyon dahil sa helicopter na inarkila at ginamit sa big scene sa afternoon teleserye na nagwakas kahapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with