^

PSN Showbiz

Andre pahinga muna sa pag-aaral!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Andre pahinga muna sa pag-aaral!

Andre

On hold muna ang pag-aaral ni Andre Paras dahil ang showbiz career muna ang priority niya.

Tuwing Huwebes lang kasi ang pahinga ni Andre dahil tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ang tapings niya para sa Sherlock, Jr., nakareserba ang Martes para sa taping ng Sirkus at nakalaan ang Saturday and Sunday para sa Sunday PinaSaya.

Hindi nagrereklamo si Andre dahil gustung-gusto niya ang kanyang mga ginagawa.

Plano pa rin ni Andre na mag-aral ng film directing dahil alam niya na iba pa rin kapag may kurso siya na natapos bilang hindi stable job ang pag-aartista.

Kung mabibigyan ng chance, type ni Andre na mag-aral sa isang popular film school sa Cebu City.

Pulis na best friend ni Ruru Madrid ang role ni Andre sa Sherlock, Jr.

Dahil pulis ang kanyang karakter, seryoso ang mga eksena ni Andre sa coming soon na primetime teleserye ng GMA 7.

Medyo naninibago si Andre sa role nito sa Sherlock, Jr. dahil sanay siya na magpatawa na minana niya mula sa kanyang tatay na si Benjie Paras na natural comedian din.

Kobe pursigido sa NBA

Balik-Amerika si Kobe, ang nakababatang kapatid ni Andre.

Ikinuwento ni Andre na nagbakasyon lang sa Pilipinas si Kobe at bumalik na ito sa pag-aaral sa isang school sa California.

Desidido pa rin si Kobe na ipagpatuloy ang basketball career sa US kaya malaki pa ang posibilidad na maging player siya ng NBA, someday.

Ruru nagmana sa ramp model na ama

Nagulat si Ruru Madrid nang makita nito sa grand presscon ng Sherlock, Jr. noong Lunes ang nanay, tatay at kapatid niya.

Hindi inaasahan ni Ruru ang pagdating ng kanyang pamilya na suportadung-suportado ang pagbibida niya sa Sherlock, Jr.

Napansin ng mga reporter na carbon copy si Ruru ng kanyang ama na ramp model pala noong araw at kasabayan ni Piolo Pascual.

Kahit tumaba na ang tatay ni Ruru, halata na minana ng kanyang anak ang hitsura niya. Kung nag-try siguro noon ang tatay ni Ruru na pumasok sa showbiz, baka naging artista rin siya.

Janine markado sa Sherlock

May special participation si Janine Gutierrez sa Sherlock, Jr. bilang natsugi na girlfriend ni Ruru Madrid.

Maiksi pero markado ang role ni Janine dahil siya ang pagsisimulan ng masalimuot na kuwento ng Sherlock, Jr.

Kasama sa cast ng Sherlock, Jr. si Tonton Gutierrez na isang senator na may itinatago na sikreto.

Sa tunay na buhay, uncle ni Janine si Tonton dahil half-brother ito ng kanyang tatay na si Ramon Christopher.

Matt Evans bagong kontrabida sa GMA

Wala si Gabbi Garcia sa presscon ng Sherlock, Jr.dahil not feeling well siya.

Hindi naman na-miss ng mga reporter ang presence ni Gabbi dahil maraming artista ang kasali sa bagong primetime teleserye ng GMA 7.

Bukod kina Ruru at Gabbi, starring din sa Sherlock, Jr. sina Janine, Tonton, Andre, AiAi delas Alas, Sharmaine Arnaiz, Kate Valdez, Rochelle Barrameda at former Kapamilya actor na si Matt Evans.

Si Matt ang gaganap na kontrabida sa buhay ni Sherlock, Jr. na ginagampanan ni Ruru. Excited si Matt sa bagong chapter ng career niya bilang artista.  Thankful siya sa GMA Network management dahil sa challenging role na ipinagkatiwala sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with