^

PSN Showbiz

Kiko musmos pa nang abandunahin ng ina

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang month-long 15th anniversary special ng pioneering public affairs show na Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales. At ngayong Sabado (Dec. 16), bibigyang-buhay ni Kiko Estrada ang kuwento ni Totoy.

Nagkaisip at lumaki si Totoy sa piling ng kanyang stepfather na si Tatay Fred. Ayon sa kuwento sa paligid, maliit pa raw siya noon nang mag-away ang ina at ama-amahan niya. Umuwi raw ang nanay niya sa Maynila at napilitang iwan siya dahil gusto na talagang makipaghiwalay nito. Umasa naman si Tatay Fred na hindi matitiis at babalikan pa ang bata, pero lumipas ang 17 taon, hindi na muling nagpakita ang ina ni Totoy.

Marami tuloy tanong at malaki ang tampo ng binata: bakit kailangang siya ang magbayad sa gusot ng kanyang mga magulang? Tuluyan na ba siyang tinalikuran ng kanyang ina? At kung sakaling makipag-ugnayan ang nanay niya, dahilan na ba ito para iwanan si Tatay Fred na nagpalaki sa kanya kahit hindi naman niya kadugo?

Makakasama ni Kiko sina Dentrix Ponce, Glenda Garcia, Archie Adamos, Kyle Ocampo, Marc Justine Alvarez at Jason Francisco para isabuhay ang mga nakaka-antig na istoryang ito sa espesyal na pagtatanghal ng Wish Ko Lang, Sabado pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with