^

PSN Showbiz

Puwet ni Rocco bumenta!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Pinag-uusapan pa rin ngayon ang katatapos na underwear fashion show ng Bench. Nakakatawa lamang na hindi ang pinakama­galing rumampa ang umagaw ng pansin at talagang sinadya ng manonood para makita kung hindi kung sino ang may pinakamala­king umbok o bukol sa mga lalaki at kung sino ang may pinakamaliit na bikini sa mga babae.

More than the girls, ang mga lalaking modelo ang sinadya para makita ng mga nagtitiliang babae at beki na dumayo ng MOA.

Tuwang-tuwa sila na makita ang puwet ni Rocco Nacino na tulad ni Markki Stroem ay naka-T back, pero pinagtakhan ang magkaibang bulto ng private parts nina Tom Rodriguez at Addy Raj.

Disappointed naman ang lahat na hindi nakita ang kaseksihan ni Ellen Adarna. Nagkasya na lamang sila sa paniniwala na buntis nga ito kaya hindi nakarating kahit walang kumpirmasyon. Si Maine Mendoza ay wagi sa kanyang sporty pin-up outfit. Buti na lang at hindi siya nagtangkang lumaban ng paseksihan kina Solenn Heussaff, Lovi Poe, Winwyn Marquez, at sa ibang girl models. Nakakuha pa siya ng malakas na palakpak from the audience for not trying hard.

Malaking pressure naman ang kakaharapin ng anak ni Melanie Marquez na si Michelle Dy na baguhan pa sa pagrampa, pero may malaking promise bilang rampadera. Susubok itong sumali sa Binibining Pilipinas.

Next year sila pa rin kaya ang pagkakaguluhan o may bagong mukha at katawan na  pagpapantasyahan tulad ng ‘di kilalang lalaki na lumabas sa finale ng palabas?

Aljur naisalba ng anak

Nakita na rin pala ni Robin Padilla ang apo niya kay Kylie Padilla. Dumalo ang mag-ina sa birthday ng anak nina Binoe at Mariel Rodriguez. Kuwento ng mga nakasaksi, maramdamin ang pagkikita ng mag-ama at mag-lolo bagaman at duda sila na ganun daw ka-touching ang naging eksena kung kasama ng mag-ina si Aljur Abrenica.

Hindi pa batid ng lahat kung napalambot na ni baby Alas ang puso ng lolo niya para sa kanyang ama.

JM hindi pa rin nalulusaw ang fans

Magandang balita para sa mga tagahanga at supporters ni JM de Guzman na makakabalik na itong muli sa paggawa ng pelikula. It seems na completely recovered na ang magaling na aktor sa kanyang masamang bisyo at talagang balak na nito na tumawid sa tamang landas.

Marami naman ang gustong sumuporta sa tuluyan niyang pagbabago. Talagang ang kailangan lamang ni JM ay ang mga tao na magtitiwalang kumuha ng kanyang serbisyo at nangyari na nga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with