^

PSN Showbiz

Marian at Dingdong hindi totodo sa party ni Zia

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi malaking party ang inihahanda nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa second birthday ni Zia sa November 23. Pero busy pa rin ang mag-asawa dahil gusto nila na mag-enjoy si Zia at ang magiging bisita nitong mga bata.

Balita ni Marian nang huli naming makausap sa taping ng Super Ma’am, sa isang adventure place gagawin ang birthday party ni Zia at maraming invited na mga bata.

Samantala, achieve na achieve sa Super Ma’am ang gusto ni Marian na mga bata ang unang matuwa sa teleserye dahil nakikita niya sa email na ipinadala sa kanya na tutok ang mga bata kapag palabas na ang teleserye.

Anyway, sunud-sunod ang endorsement ni Ma­rian na bawal pang sabihin. May solo endorsement siya ng isang pagkain, couture, may offer pa na silang dalawa ni Zia ang magkasama at may offer ng solong endorsement for Zia na pinag-aaralan pa nila ni Dingdong.

Ken nag-ala Piolo Pascual? Barbie hindi nagpahalik

Sabi ni director Joel Lamangan, akala niya siya lang ang nakapansin na may mga eksena si Ken Chan sa This Time I’ll Be Sweeter na mala-Piolo Pascual ang acting. Napansin din ‘yun ng mga reporter na nanood sa premiere night at sabi pa ni direk Joel, hindi niya sinabihan na gayahin ni Ken si Piolo.

Nagulat si Ken sa feedback dahil hindi siya aware na nagagaya raw niya si Piolo. This Wednesday na ang start ng showing ng Regal MultiMedia Inc. movie.

Nabitin ang fans sa mga almost kiss na eksena nina Barbie at Ken, pero sabi ng dalaga hindi pa time para magpahalik siya. “Imi-milk muna natin na gusto ako ng fans na ganito muna ang napapanood sa akin, wala munang kissing scene. Hindi na kasi babalik ang ganitong stage, ‘wag nating madaliin,” ayon kay Barbie.

Narinig namin kay direk Joel na may next movie si Ken sa Regal kasama ang ilang Kapuso stars. Samantala, aalis sina Barbie at Ken for different reasons. Lilipad patungong Italy si Barbie para mag-shooting ng indie film sa direction ni Louie Ignacio. Baka sa Italy na siya mag-Christmas kung makakasama ang mom niya.

Si Ken naman ay magbabakasyon sa USA at pupunta sa Maryland, New York, Los Angeles, at Las Vegas. First time niya sa States, kaya excited ang binata.

Rarampa muna si Ken sa Bench sa November 18, na T-shirts ang suot dahil wala pa siyang body para mag-topless.

Alden hindi nasamahan ni Marian sa Thailand

Hindi pala ang One True Love, kung hindi ang Carmela serye ang ipinunta ni Alden Richards sa Thailand para i-promote. Ito ‘yung teleserye nila ni Marian Rivera at ipalalabas this November. Hindi niya nakasama si Marian dahil busy sa taping ng Super Ma’am.

This Wednesday na ang balik ni Alden at mga kasamang sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at Carla Abellana na nag-promote naman ng My Husband’s Lover. Nakita namin ang poster ng MHL with a Thai title.

Sa napanood naming video maganda ang pagtanggap sa kanila mula pagdating ng apat sa airport hanggang sa interview sa kanila sa The Anne Show.

Samantala, naikuwento ni Jerald Napoles na muling bibili ng playdate ng ibabalik na PETA musical na Rak of Aegis si Alden.

Co-hosts ni Willie tuloy ang pamamahinga

Nag-resume na ng taping kahapon ang Wowowin at ang tsika, wala pa ring co-host si Willie Revillame. Wala ang mga dati niyang co-host na sina Ariel­la Arida at Kylie Versoza.

Matindi nga yata ang tampo ni Willie sa co-hosts niya, kaya extended ang pahinga nila. Kaya naman tuloy ang pag-aabang kung sino ang mapipili ni Willie na bago niyang co-host.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with