^

PSN Showbiz

Heart magtatayo ng ampunan ng mga aso

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Nagpaplanong magtayo ng isang ampunan ng mga asong gala si Heart Evangelista.

Wala lang siyang nabanggit kung sa hometown ng kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero ito o sa Manila.

“It’s only been a few days since we last saw each other, but I’m already missing my strong but gentle guy Chunino! Last year, he got run over by a truck in Sorsogon. I’m really glad he’s doing better.

“One of my dreams is to open a center for stray animals, especially dogs, where they will feel loved and can have proper nutrition and medical care. Who’s with me? #Adopt #DontShop,” sabi ni Heart sa kanyang followers habang nilalambing ang aso sa bahay ng mister sa Bicol kung saan siya dumalaw kamakailan.

Marami agad ang nagpahayag ng suporta sa plano ni Heart kabilang na ang Kapuso actress na si Carla Abellana na kilala ring nag-aampon ng mga aso at pusang nagkalat sa kalye.

Jolina and Family

Jolens preggy na uli

Preggy na pala uli si Jolina Magda­ngal. Two months na raw ang ikalawang baby nila ng mister na si Mark Escueta.

Ibinalita niya ang tungkol dito kahapon sa programa nilang Magandang Buhay.

“Yes, 9 weeks na po ako at kuya na po si Pele. Thank you, Lord.

“Sobrang ipinag-pray po namin ito at saka sob­rang saya ko para kay Pele, hindi lang para sa aming mag-asawa kung hindi para kay Pele. Two months na po mga kaibigan,” sabi niya kahapon.

Kaya pala parang tumaba siya nung minsang mapanood ko sa Magandang Buhay. ‘Yun pala, preggy na siya.

Congrats Jolens. Tiyak na mas masaya pa sa actress/singer/TV host  ang daddy niya si Tito Jun Magdangal.

Isabel

Isabel pagsusuutin ng gown sa kanyang lamay

Talaga kayang gown ang isusuot ni Isabel Granada sa kanyang burol? Nakatakdang dumating ang mga labi ng aktres na binawian ng buhay sa Qatar bukas ng umaga.

May ipinakita ang dating aktres na si Bianca Lapus na design ng gown sa kanyang social media account na umano’y susuutin ni Isa bago ito i-cremate.

 “When you arrive, you will wear this Ethereal gown, created with fine French lace and flowy Gaze Faconne fabric, accentuated w/heavy embroidery lace & white Topaz Swarovski crystals you will look just like sleeping beauty i will forever treasure the genuine friendship you gave sis, my kumare...Isabel Granada pasensya na sa times na di mo ako mahagilap at pagkukulang ko. i love you!,” bahagi ng mahabang post ni Bianca sa kanyang FB account.

Isa ang ex ni Vhong Navarro sa mga kaibigan at kapanabayan ni Isabel sa That’s Entertainment.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with